Thank You Michael Jordan
May 10, 2003 | 12:00am
NAPAKARAMING tao sa buong mundo ang nalungkot na para bagang nangulila sa pagyao ng isang mahal sa buhay nang magre-retiro na ang super hero na si Michael Jordan sa paglalaro ng basketball. Ang Washington Wizards, ang koponan na pinaglalaruan ni Jordan sa NBA ay hindi nanalo ng sapat upang makapasok sa playoff kung kayat ang huling laban ng Wizards ang pinakahuling pagkakataon na mapapanood si Jordan na nakauniporme bilang isang basketbolista.
Iisa lamang ako sa halos mapaiyak habang pinapanood ang Michael Jordan Tribute na ipinalabas ng Solar Sports na ang host ay si Chino Trinidad. Makabagbag damdamin ang paglalahad sa kasaysayan ni Michael Jordan lalo nat mismong naroroon ako ng personal na nanonood sa sports center sa ilang pinaglaruan ng super legend na bahagi ng ipinalabas sa nasabing Tribute.
Sumasang-ayon ako na wala nang maaaring makapantay kay Jordan dahil lamang sa paglalaro ng basketball. Siya na marahil ang matatawag na simbolo ng isang kaaya-ayang atleta hindi lamang sa kanyang laro kundi sa lahat na nang general competitive sports na tulad ng baseball, football o boxing.
Naala-ala ko tuloy nang minsang palarin ako na makamayan si Jordan maraming taon na ang nakakaraan sa restaurant niya sa Chicago. Sa tanda ko nang ito, para akong isang fan ng isang superstar dito sa ating bansa na hindi ko malaman kong ako ay hihimatayin sa tuwa. Naroon akong tulalang nasa harapan ng isang napakataas na lalaki na napakatamis ng ngiti at mainit na nakikipagkamay sa akin. Ang pagkakataong ito ay hindi ko na maaaring makalimutan sa aking buong buhay.
Sana ay nakapagbigay ng magandang halimbawa at inspirasyon si Jordan sa ilan nating mga manlalaro sa buong daigdig lalo na sa mga kabataan. Inaasahan kong kahit na matatagal pang may magmamana rin ng katanyagan, kabutihan at kasiyahang idinulot ni Michael Jordan, nawa ay may lumitaw din na isa man lamang Jordan na magpapaligaya at magsisilbing simbolo ng isang mabuti at kaaya-ayang atleta lalo na dito sa ating bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended