^

PSN Opinyon

Editoryal – Panibagong batik sa AFP

-
BAKIT hanggang ngayon ay hindi pa nadudurog ang mga teroristang Abu Sayyaf? Sa kabila na sinabi mismo ng military na kakaunti na lamang at watak-watak na ang mga ito, bakit patuloy pa rin ang pangingidnap at kanilang pagpatay. Bakit patuloy na nakapagtatago? Isang malaking misteryo ito. Kung paniniwalaan ang mga inihayag ni Gracia Burnham sa kanyang librong "In the Presence of my Enemies", maaari ngang may pakikipagsabwatan ang military sa mga teroristang Abu Sayyaf dahil sa nangyayari. Nabubuhay naman ang una nang mga inihayag ng isang paring nabihag noon ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Gracia sa kanyang libro na binibigyan ng mga miyembro ng sundalo ang mga terorista ng bigas, asukal at iba pang pagkain habang sila ay hawak nito. Isa umanong general ang may alam sa nangyayaring ito at ginagawa iyon sapagkat gusto nitong makahati ng ransom na ibibigay sa kanila. Ang mga teroristang Sayyaf ay nag-offer umano ng 20 percent sa general subalit gusto naman nito ay 50 percent. Sinabi rin ni Gracia na hindi bala mula sa mga bandido ang pumatay sa kanyang asawa kundi sa military.

Ang paghahayag ni Gracia tungkol sa "sabwatang military Abu Sayyaf" ay nagpatindi sa una nang ibinulgar ni Fr. Cirilo Nacorda, ang paring hinostage ng mga terorista sa Basilan. Sinabi ni Nacorda, na hinayaan ng military na makatakas ang mga terorista nang salakayin ng mga ito ang Torres Memorial Hospital sa Lamitan noong June 2, 2001. Nabayaran ang military kaya hinayaang makatakas ang mga ito. Isang bihag pa ang nagpatotoo sa mga sinabi ni Nacorda.

Itinanggi ng military ang mga bagong akusasyon sa kanila. Walang katotohanan at hindi kapani-paniwala ang nakasulat sa libro. Sinabi ng military na nais lamang ni Gracia na mabenta ang kanyang libro. Sa halip daw na magpasalamat si Gracia sa military na nagligtas sa kanya ay kabaligtaran pa ang nangyari. Nananatili namang nasa likod ng military si President Gloria Macapagal-Arroyo.

Malaking batik sa AFP ang mga ibinulgar ni Gracia. Hindi ito dapat ipagwalambahala ng AFP. Kung sa mga akusasyon ni Nacorda ay hindi sila gaanong nayanig at nalinis din sila sa imbestigasyon ng Senado, sa pagkakataong ito, dapat ay maipaliwanag nila at karakang malinis ang pangalan. Hindi na sa isang Pinoy nanggagaling ang pagbubulgar kundi sa isang dayuhan. Naisiwalat sa buong mundo at ngayo’y hindi lamang basta putik ang nakakulapol – kundi mabahong putik ng kontrobersiya. Nararapat lumabas ang katotohanan sa panibagong pagbubulgar na ito ni Gracia Burnham.

ABU SAYYAF

CIRILO NACORDA

GRACIA

GRACIA BURNHAM

MILITARY

NACORDA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with