Nais umanong ibenta ang mga ari-arian upang magamit ang salapi sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas. Anak ng tinapa naman. Ipagbibili upang ipambayad lamang sa ninakaw ng mga walang kaluluwang opisyal ng pamahalaan.
Ipinahayag ni Senate President Franklin Drilon na magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado sa ilalim ng Foreign Relations Committee na pinangungunahan ni Sen. Manuel Villar tungkol sa planong pagbebenta ng mga nasabing ari-arian. Sinabi ni Villar na hindi makabubuti sa interes ng ating bansa kung ipagbibili ang mga ari-arian.
Baka may gusto na namang kumita ng komisyon? Malaking pera ang mapupunta sa bulsa ng ilang opisyal ng ating pamahalaan kung maibebenta ang mga nabanggit na ari-arian. Malapit na nga siguro ang eleksyon kung kayat ang ilang mga hinayupak na pulitiko ay nangangalap na ng salapi.
Dapat ay maging listo ang mga mamamayan upang hindi mapalampas ang mga balak na ito. Hindi makabubuti sa bansa. Hindi dapat na magsawalang-kibo sa panloloko na ginagawa ng mga pulitiko at ilang mga pinuno na nagpapanggap na tagasagip at tagapagtanggol ng bansa. Matuto na tayo!