^

PSN Opinyon

Ari-arian ng Pilipinas sa ibang bansa huwag ibenta!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI ko malaman kung sino ang mga nasa likod ng planong ipagbili ang mga pangunahing ari-arian ng ating bansa sa Japan at sa United States.

Nais umanong ibenta ang mga ari-arian upang magamit ang salapi sa pagbabayad ng utang ng Pilipinas. Anak ng tinapa naman. Ipagbibili upang ipambayad lamang sa ninakaw ng mga walang kaluluwang opisyal ng pamahalaan.

Ipinahayag ni Senate President Franklin Drilon na magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado sa ilalim ng Foreign Relations Committee na pinangungunahan ni Sen. Manuel Villar tungkol sa planong pagbebenta ng mga nasabing ari-arian. Sinabi ni Villar na hindi makabubuti sa interes ng ating bansa kung ipagbibili ang mga ari-arian.

Baka may gusto na namang kumita ng komisyon? Malaking pera ang mapupunta sa bulsa ng ilang opisyal ng ating pamahalaan kung maibebenta ang mga nabanggit na ari-arian. Malapit na nga siguro ang eleksyon kung kaya’t ang ilang mga hinayupak na pulitiko ay nangangalap na ng salapi.

Dapat ay maging listo ang mga mamamayan upang hindi mapalampas ang mga balak na ito. Hindi makabubuti sa bansa. Hindi dapat na magsawalang-kibo sa panloloko na ginagawa ng mga pulitiko at ilang mga pinuno na nagpapanggap na tagasagip at tagapagtanggol ng bansa. Matuto na tayo!

vuukle comment

ANAK

DAPAT

DRILON

FOREIGN RELATIONS COMMITTEE

IPAGBIBILI

IPINAHAYAG

MALAKING

MANUEL VILLAR

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with