^

PSN Opinyon

Pinoy prayoridad sa Iraq reconstruction

- Al G. Pedroche -
KUNG karanasan sa trabaho sa abroad ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa mga Pilipino. Kaya naniniwala ako na napakalaki ng tsansa ng mga kababayan nating Pinoy sa sandaling magsimula ang reconstruction ng Iraq na sinalanta ng digmaan.

Mapa-manual labor, health services at kung anu-ano pang serbisyo, mga Pinoy ang laging top priority ng mga foreign employers. Ewan ko ba, sa sariling bansa may reputasyong tamad ang Pilipino pero pagdating sa ibayong-dagat, nakikita ang di-matapatang gilas ng mga damontres.

Sabi nga ni Trade Secretary Mar Roxas, ang demand na ito sa mga Filipino workers ay napatunayan ng isang business group na nagsagawa ng initial survey hinggil sa gusto ng mga Iraqi sa gagawing rehabilitasyon ng kanilang bansa.

At ayon naman sa mga kompanyang Amerikano na magsasagawa ng rekonstruksyon sa Iraq, mga Pinoy ang first preference nila at iyan ay dahil sa kanilang kasanayan. Aba, bago pa man ginulo ni Saddam Hussein ang kalagayan ng Iraq, nagpapadala na tayo ng mga workers sa bansang iyan at bantog na sa mga Iraqis ang magandang reputasyon natin bilang mga manggagawa.

Gaya nga ng sinabi ni Trade Sec. "malawak ang kasanayan ng mga Pilipino at madaling mag-adjust sa requirements ng trabaho." Ang malawak na karanasan ang malaking advantage ng mga Pilipino para makopo ang trabaho sa konstruksyon, pangangalaga ng kalusugan at iba pang serbisyo para sa Iraq, ani Roxas.

Nakagugulat talaga ang debosyon ng mga OFWs sa trabaho. Siguro, ito’y dahil na rin sa malaking kinikita nila kumpara kung sila’y dito lamang sa bansa magtatrabaho. Ayun – iyan nga ang dahilan kung bakit pag dating sa sariling bayan, tamad ang Pinoy. At di natin sila masisisi di ba? Therefore, magandang oportunidad ang mga magbubukas na trabaho sa Iraq.

Inihahanda na ng Public-Private Task Force para sa rekonstruksyon ng Iraq ang aspetong pinansyal sa deployment ng mga Pinoy sa naturang bansa, kasama riyan ang insurance at performance bond ng mga kontratista. Ang Washington ay naglaan na ng $680 milyon para sa rehabilitasyon ng Iraq na winarak ng digmaan.

vuukle comment

AMERIKANO

ANG WASHINGTON

IRAQ

PILIPINO

PINOY

PUBLIC-PRIVATE TASK FORCE

SADDAM HUSSEIN

TRADE SEC

TRADE SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with