^

PSN Opinyon

Travel special: Maynila

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
DAHIL sa SARS scare sa payo ng BANTAY KAPWA na dito na lang sa Pilipinas gawin ang pagbabakasyon. Bukod sa hindi kasing expensive kaysa sa abroad, maraming magagandang tourist spots sa Pilipinas see the Philippines first. Umaabot sa 7,107 islands meron tayo. Baligtarin man ang mundo tayo ang may pinakamagandang sunset. Marami tayong bundok, bulkan, karagatan at natatanging koleksiyon ng flora at fauna. Marami tayong cultural landmarks mula Aparri hanggang Jolo. Maganda ang ating mga awit at katutubong sayaw. At ang pinakamahalagang yaman natin ay ang mga mamamayang Pilipino na mabait, magalang, mapagmahal at very hospitable.

Ang BANTAY KAPWA ay magbibigay-puwang sa serye ng mga lugar sa bansa na dapat na puntahan. Hangad ng BANTAY KAPWA na ang seryeng ito ay maging dagdag kaalaman lalo na sa mga kabataan at layunin ding ipromote ang turismo ng bansa. Unahin natin ang Lungsod ng Maynila na capital ng Pilipinas.

Sa Maynila matatagpuan ang Walled City of Intramuros na itinayo noong 1521 ni Mexican Conquistador Miguel Lopez de Legaspi na ang labi ay nakahimlay sa simbahan ng San Agustin na isa ring popular landmark gaya ng katabi nitong Manila Cathedral. Paboritong pasyalan ang Luneta na ang ibig sabihin sa Kastila ay ‘‘munting buwan’’. Dito binaril si Dr. Jose Rizal kaya mas kilala ngayon ang Luneta bilang Rizal Park.

Maraming mahahalagang gusali ang itinayo sa Escolta, Ermita at Malate. Ang Manila City Hall na itinayo noong 1939 ay bantog sa tore nito na may apat na higanteng orasan. Ang basilika ng Señor Jesus Nazareno sa Quiapo ay nasa harapan ng makasaysayang Plaza Miranda. Nasa Maynila rin ang Malacañang, ang opisyal na residensya ng Presidente ng Pilipinas. Malapit sa Palasyo ang simbahan ng San Sebastian na sinasabing the only pre-fabricated steel church in the world. Ang University of Santo Tomas ang kauna-unahang unibersidad sa Asya at 25 years older than Harvard University sa Amerika.

Maraming mga restawran at mga disco bars at clubs sa Maynila na dinarayo ng mga foreigners. (Itutuloy

vuukle comment

ANG MANILA CITY HALL

ANG UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

DR. JOSE RIZAL

HARVARD UNIVERSITY

JESUS NAZARENO

LUNETA

MANILA CATHEDRAL

MARAMI

MARAMING

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with