Ito ang katanungang naghahanap ngayon ng kasagutan matapos na isang miyembro ng Industrial Security Guard, na naka-assign sa arrival area ng NAIA ang kinondena ni Itchie Cabayan, ng Peoples Journal Tonight dahil sa umanoy aroganteng pagkuwestiyon nito sa kanyang suot na identification card.
Ang kinukuwestiyong monthly pass ID ay kakikitaan ng malalaking bold letters na may naka-titik na NAIA Press, pati na rin ang media organization na kinabibilangan ng reporter at siyempre pirmado pa si MIAA general manager Ed Manda, pero sinita pa rin nito ang mamamahayag.
Sa kanyang pagsita, isa-isa umanong binasa ni Gulapa ang lahat ng nakasaad sa ID nang dahan-dahan at paulit-ulit na waring hindi naiintindihan ang nakasulat dito.
Nang mapunang nagiging matagal ang pagbabasa sa maliit lamang na ID ay ipinaliwanag na ng reporter na ang ID na iyon ay iniisyu sa mga media subalit ito ay hindi pinakinggan ni Gulapa na patuloy pa rin sa pagbabasa ng ID.
Sa aroganteng pamamaraan ay ipinilit ni Gulapa na hindi pamilyar sa kanya ang nasabing uri ng ID at nagpakita pa ito ng galit nang ipaliwanag ng reporter na iyon ay inisyu sa kanya bilang member ng NAIA Press Corps.
Ayon sa mga opisyal ng media affairs office, lahat daw ng members ng Industrial Security Guard sa NAIA, ay inaasahang pamilyar sa nasabing uri ng ID at maging sa iba pa na iniisyu sa airport.
Dapat pamilyar sila diyan dahil binibigyan sila ng briefing. Kung hindi niya alam ang ID na yan, mag-resign na siya, pahayag nila.
Kasabay ng paliwanag na pare-pareho lamang umano ang uri ng mga ID na ibinibigay sa airport at sa kulay at coding lamang nagkakaiba.
Nagtataka rin umano sila kung paano ang isang miyembro ng Industrial Security Guard ay makapagsasabing hindi siya pamilyar sa isang monthly pass gayung kung ang ordinaryong daily stik-on pass lamang ay kinikilala nila.
Nangako ang mga opisyal na makikipag-ugnayan kay Industrial Security Guard chief Capt. Joey Tecson, para alamin kay Gulapa kung paano nangyari na hindi ito pamilyar sa nasabing ID.
Anila, kataka-taka ang mga security personnel na dinaanan ng reporter bago pumasok ng airport ay nakakilala sa nasabing ID at mismong sa loob pa ng airport nagkaproblema.
Kung absent man itong si Gulapa nang mag-briefing tungkol sa mga ID, responsibilidad niyang alamin kung ano ang mga dapat niyang malaman at na-miss sa nasabing briefing.
O baka naman present siya pero hindi nakikinig?
Alam mo kasi Gulapa, kung hindi ka man pamilyar sa ID na suot nung reporter na sinita mo, hindi niya problema yun. Problema mo yun.
Ano kaya ang gusto ni Gulapa? tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.
Baka nagulat siya kay Itchie, dahil ngayon lang siya nakakita ng magandang babaeng reporter sagot ng kuwagong Kotong cop.
Eh, maganda pala bakit inasar niya? tanong ng kuwagong urot.
Iyan ang hindi natin alam!
Paano ngayon iyan nagrereklamo si Itchie kasi nabalam ang paggawa niya ng importanteng news tungkol sa SARS sa NAIA?
Bilang Prez ng NAIA Press Corps Inc. ang Chief Kuwago idi-denounce natin ang maling ginawa ni Gulapa.
Kaya bahala na si Tutubi diyan este mali si General Atutubo pala?
Abangan!