^

PSN Opinyon

SSS, GSIS huwag nang sapilitan

SAPOL - Jarius Bondoc -
SUWERTE talaga ang mga opisyal ng SSS at GSIS. Ang mga trustees na appointed lang ng Malacañang, ang lalaki ng perks at per diem – tig-P150,000 kada buwan. Ang top management, ang tataas din ng suweldo at allowances. Umaabot sa P320,000 – kumpara sa karaniwang member na ang sahod ay mataas lang nang konti sa minimum wage, o sa retiree na ang pension ay P3,000 lang kada buwan.

Sa laki ng bayad sa trustees at managers, palpak din ang palakad. Nalulugi ang SSS at GSIS ng mahigit tig-P6 bilyon dahil sa mga ma-anomalyang investments, lalo na nu’ng panahon ni Erap. Sa ilalim nina dating SSS president Carlos Arellano at GSIS general manager Federico Pascual, ginamit ang pera ng mga miyembro para ibili ng shares of stock sa croniy companies. Nakinabang nang husto ang BW Corp., Waterfront Hotel, Equitable Bank, Belle Resources at Security Bank. Kumomisyon si Erap sa mga transaksiyon, na hinulog sa Jose Velarde account.

Ngayong bago na ang trustees ng SSS at GSIS, hindi tinutugis ang mga dating trustees at kakutsabang managers na nagwaldas ng pera. Sa halip, tinataasan ang hulog ng employers, at binabawasan ang benefits.

Hindi mangyayari ito kung maging transparent lang ang palakad ng trustees at managers. At magiging transparent sila kung bigyan lang ng karapatan ang SSS at GSIS members na bumoto ng board of trustees at mag-appoint ng managers.

Magandang halimbawa ang CalPERS (California Public Employees Retirement System). Tulad ng SSS at GSIS, naghuhulog ang members ng CalPERS buwan-buwan mula sa kasalukuyang sahod para sa kanilang retirement. Binoboto nila ang trustees at ina-appoint nila ang managers. Masigasig ang mga ito sa trabaho. Maingat nilang ini-invest ang pera ng members para kumita nang bilyun-bilyong dolyar.

Kung hindi rin lang makakaboto ng trustees ang SSS at GSIS members, huwag na dapat gawing sapilitan ang paghulog. Kumbaga, no taxation without representation. Walang kaltas kung walang boto.

BELLE RESOURCES

CALIFORNIA PUBLIC EMPLOYEES RETIREMENT SYSTEM

CARLOS ARELLANO

EQUITABLE BANK

ERAP

FEDERICO PASCUAL

GSIS

JOSE VELARDE

TRUSTEES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with