"At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siya nakilala nang pagpira-pirasuhin niya ang tinapay.
"Samantalang pinag-uusapan nila ito, si Jesus ay tumayo sa gitna nila. Sumainyo ang kapayapaan! sabi niya sa kanila. Ngunit nagulat sila at natakot sapagkat ang akala nilay multo ang nasa kanilang harap. Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Anot kayoy nagugulumihanan? Bakit nag-aalinlangan pa kayo? Tingnan ninyo ang aking kamay at paa, ako nga ito. Hipuin ninyo ako at pagmasdan. Ang multoy walang laman at buto, ngunit akoy mayroon, tulad nang nakikita ninyo. Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa. Nang hindi pa rin sila makapaniwala dahil sa malaking galak at pagkamangha, tinanong sila ni Jesus, May makakain ba riyan? Siyay binigyan nila ng kaputol na isdang inihaw; kinuha niya ito at kinain sa harapan nila.
"Pagkatapos sinabi sa mga alagad, Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako: Dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga aklat ng mga propeta, sa aklat ng mga awit. At binuksan niya ang kanilang pag-iisip upang maunawaan nila ang mga kasulatan. Sinabi niya sa kanila, Ganito ang nasusulat: Kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesias at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa bagay na ito.
"Tandaan ninyo: Susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kayat huwag kayong aalis sa lunsod hanggat hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas."
Inakala ng mga alagad na ang nakikita nila ay isang multo. Subalit si Jesus ay hindi isang multo. Hinikayat niya silang tingnan nila ang kanyang mga kamay at paa. Hindi lamang tingnan kundi hipuin din. Pagkatapos, humingi siya ng pagkain. Binigyan nila siya ng lutong isda.
Bakit ginagawa ni Jesus ang mga ganoon? Nais niyang makasiguro na alam nilang siya, na namatay sa krus, ay ngayoy buhay. Siyay nabuhay na muli. Para sa ating mga Kristiyano, ito ang pinakamagandang balita. Si Jesus ay nabuhay na muli at may panibagong buhay. Tayo rin ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay. Ito ang ating pag-asa.
Hindi tayo dapat maging sobrang abala na wala na tayong panahon upang pagnilayan ang mga nakakapagpalubag-loob na balitang ito. Pakinggang taimtim ang homiliya kapag dumadalo sa Misa. Sa ganitong paraan, nananamnam natin ang salita ng Diyos.