^

PSN Opinyon

RP diplomat sa Iraq kumita kay Saddam?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, lalo na si Atty. Silvestre ‘‘Biong’’ Garing, sa pagkamatay ni Dr. Rolly Mendoza, OIC Mayor ng Naujan, Oriental Mindoro, matapos maaksidente noong Abril 22, 2003, sa may Star tollway, Tanauan Batangas.

Ililibing ito ngayon (Mayo 3) pagkatapos ng misa dakong alas-9:30 ng umaga sa libingan ng nasabing lugar.
* * *
Ang isyu: Bagama’t kumampi sa US of A ang gobyerno ni Prez Gloria sa pananalakay nito sa Iraq, pangunahing diplomat ng Pilipinas ay kumita umano ng million of pesos kay Saddam Hussein bago pumutok ang giyera roon.

Ito ang ibinulong ni Agent U-2-10 ng DFA, sa mga kuwago ng ORA MISMO na tumanggap daw ng 5 million of barrels ng langis mula sa Iraqi government si Grace Escalante, Charges d’ Affaires ng Pinas, sa Baghdad sa pamamagitan ng isang kumpanyang Noypi na kanya raw itinayo para magnegosyo sa Iraq? Prez Gloria, take note!

Sinabi sa atin ni Agent U-2-10 ng DFA, na hindi raw inireport ni Grace ang oil allocation na ibinigay sa kanya at hindi rin daw ito ipinasok sa Pinas.

Malaki raw sana ang naitulong ni Grace sa bansa kung ipinasok umano nito ang langis at tiyak pa umanong bumaba ang presyo nito kung nagkataon.

Ayon sa Agent U-2-10 ng DFA, ibinenta umano ni Grace ang nakuha niyang oil allocation sa isang oil trader sa Baghdad at kumita raw ng komisyon ng US$0.4 per barrel o US$1 million or P50 million?

Sabi ng Agent U-2-10 ng DFA, isa raw ito sa dahilan kung bakit bantulot umalis si Grace sa Baghdad kahit malapit nang pumutok ang giyera roon.

Sabi ni Agent U-2-10 ng DFA, umaasa pa raw si Grace na makakuha umano ng karagdagan oil allocation sa gobyerno ni Saddam.

Ayon kay Agent U-2-10 ng DFA,

Sabi ni Agent U-2-10 ng DFA, nakita pa sa mga report ng international media si Grace na may karaoke party na ibinigay ito para sa mga foreign correspondents at ilang Iraqi officials sa Baghdad ilang araw bago magkagiyera.

‘‘Siguro kung totoo ito dapat imbestigahan si Grace?’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Dapat hindi tutulog-tulog ang tanggapan ng Ombudsman sa akusasyon ni Agent U-2-10 ng DFA, kung tama ito,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano kaya ang gagawin ng Malacañang?’’

‘‘Palagay ko mag-aalburoto ito kung korek ang mga sinasabi ni Agent U-2-10 ng DFA’’ sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Ano sa palagay mo ang dapat natin gawin?’’

‘‘Maghintay tayo ng Pasko baka umpisahang imbestigahan ito, he-he-he!

AGENT

AGENT U

ANO

AYON

DFA

DR. ROLLY MENDOZA

GRACE

PREZ GLORIA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with