Pulis na umabuso sa tungkulin
May 3, 2003 | 12:00am
ITINALAGA ng munisipyo ang pulis na si Al at kasama nito sa isang junior-senior prom ng barangay. Tungkulin niyang pangalagaan ang kaayusan at kapayapaan ng nasabing sayawan.
Alas-nuwebe ng gabi, nai-report sa kanya at sa prinsipal ng eskwelahan ang panggugulong nangyayari sa likod ng paaralan. Sa utos ng prinsipal, pinuntahan nila ang lugar dala ang kanilang mga baril.
Pagdating sa lugar, nakita nila si Art, 20 anyos na estudyante ng nasabing paaralan, lasing at sinisira ang bakod na kawayan. Nang biglang hawakan ni Art ang bakod kawayan at mabiyak ito, biglang pinaputok ni Al ang kanyang armalite. Ayon sa prinsipal, ilang segundo nilang narinig ang tunog na rat-tat-tat. Nakita na lamang nila si Art na nakahandusay, may sugat sa ulo at dibdib at patay na. Wala na rin ang dalawang pulis.
Kinasuhan si Al ng murder. Ayon sa kanyang depensa, tinugunan lamang daw niya ang hininging tulong ng prinsipal at ang ginawa niyang pagbaril ay isang pagtupad sa kanyang tungkulin, kaya hindi siya dapat managot sa pagkamatay ni Art. Tama ba si Al?
MALI. Dalawang elemento ang kailangan upang masabi na ang pulis ay tumutugon sa kanyang tungkulin. Una ay ang pagtugon sa tungkulin ayon sa batas; at ikalawa, ang pinsalang nagawa ay kinakailangan upang matupad ang nasabing tungkulin.
Sa kasong ito, tumupad si Al sa kanyang tungkulin na pangalagaan ang kaayusan at kapayapaan ng nasabing sayawan. Subalit ang pagpatay niya kay Art ay hindi kinakailangang gawin para matupad ito. Bagkus ay inabuso niya ang tungkulin nang hindi man lang niya binigyan ng babala si Art.
Nahatulan lamang si Al ng homicide dahil hindi napatunayan na pataksil niyang pinatay si Art. At dahil hindi niya natugunan ang ikalawang elemento, nasentensyahan lamang siya ng walong taon na minimum hanggang 14 na taon bilang maximum (Pp. Vs. Pat. Belbes G.R. No. 124670, June 21, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am