Supreme Court galit kay Lacson
May 3, 2003 | 12:00am
PRESIDENTIAL aspirant si Senador Ping Lacson at siya na ang hinirang na standard bearer ng United Opposition. Pero marami siyang problema.
Galit sa kanya ang Korte Suprema. Mantakin nyong akusahan ng Senador ang isang Mahistrado na nagpagamit sa mga politiko nang magpalabas ng desisyon laban sa kanya. Ang tinutukoy natin ay ang kaso ng Kuratong Baleleng massacre na kinasasangkutan niya.
Ibinasura ng Korte ang apela ni Lacson laban sa muling pagbubukas ng naturang kaso. Kasabay nitoy kinastigo ng Korte si Lacson sa akusasyon niya kay Justice Ramon Callejo Sr. na ginamit ng politiko para magpalabas ng desisyon laban sa kanya. Tinamaan ng ngitngit ng Korte si Lacson. Nagpalabas ang Hukuman ng resolusyon na kumokondina kay Lacson. Tinawag siyang "iresponsable" sa kanyang akusasyon.
Hindi kaya alam ni Lacson na ang Korte Suprema ay isang collegial body at ang akusasyon mo sa isa ay sumasakop sa lahat ng bumubuo nito? Kaya kung aakusahan mong instrumento ng pulitika ang isang mahistrado, tinutuligsa mo ang buong Korte Suprema. Buti pay nagpakumbaba na lamang siya sa kanyang apela sa Korte sa halip na isabit ang isang iginagalang na Mahistrado. Baka sakaling pinagbigyan siya, di ba?
Delikadong maging Erap II si Lacson kapag nanatiling bukas ang Baleleng case na iyan. Baka sa kulungan siya damputin bago pa man siya maluklok sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno.
Hindi katakatakang gumawa ng media at advertising blitz si Lacson dahil sa problema niyang ito. Kailangang linisin niya ang kanyang pangalan.
Ngunit ang pangalan ay hindi nalilinis sa pamamagitan ng tinatawag na "para-paganda". Patunayan na lang niya sa hukuman na siyay inosente sa halip na manghikayat siya ng suporta ng masa sa pamamagitan ng publisidad. Hindi na kasi naniniwala ang taumbayan sa publisidad. Maski papaano, umangat na rin ang talino ng Pinoy sa pulitika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended