SINO ang hindi nauuhaw ngayong tag-init? Mayat maya gusto nating uminom para mapawi ang uhaw likha ng sobrang init. Ipinapayo na bukod sa water therapy na mainam sa ating kalusugan, ang pagkain ng makakatas na prutas na pamalit sa mga tumakas na mineral sa katawan bunga ng pagpapawis. Isa sa mga prutas na ito ay ang melon na mabisa rin sa mga overweight. Napakayaman ng melon sa bitamina C. Ang taglay nitong fiber content ay laban din sa constipation. Mainam din ang melon para bumaba ang cholesterol at ang blood pressure. Malaking tulong din ito sa pagtunaw sa mga kidney stones.
Tulad ng melon, marami ring benepisyo sa kalusugan ang pakwan bukod pa sa pagiging pamawi ng uhaw ngayong summer. Masarap din inumin ang katas ng oranges, dalandan, naranghita at kalamansi bilang pamatid-uhaw. Mayaman ang mga ito sa bitamina at mineral. Ang pinya at suha ay refreshing fruits din. Mayaman din sa bitamina at mineral ang ubas. Pampalakas ang grape juice.
Sa halip na uminom ng mga softdrinks na bukod sa mahal ay may masamang epekto sa kalusugan, ipinapayo ng
BANTAY KAPWA na ugaliing kumain ng mga prutas at uminom ng mga fruit juices ngayong tag-araw.