Si Inay, halimbawa, tinuro sa amin ang kahalagahan ng kalinisan: "Hoy, kung magpapatayan kayo, doon kayo sa labas. Buwisit, kalilinis ko lang ng bahay."
Si Itay ang nagturo sa akin ng religion: "Kapag hindi na mabura ang drawing mo sa pader, magdasal ka na."
Tinuro rin niya kay Kuya ang time travel: "Kung di ka tumigil ng kaiiyak, tatadyakan kita ng todo hanggang umabot ka sa isang linggo."
Kay Inay ako natuto ng logic: "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
Siya rin ang nagturo sa akin ng higher logic: "Kung malaglag ka mula diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."
Tinuro ni Itay kay Kuya ang foresight: "Lagi kang magsusuot ng malinis na brief, para pag naka-score ka sa syota mo, hindi kahiya-hiya."
Tinuro naman niya sa akin ang magic: "Pag hindi mo makita yang bago mong relos, makikita mo."
Si Inay ang nagturo sa akin kung papano maging contortionist: "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo."
Si Itay naman ang nagturo ng stamina: "Huwag kang tatayo diyan hanggat hindi mo nakakain lahat ng gulay mo."
Si Inay ang nagturo sa amin ng weather: "Alangya, ano ba itong kuwarto niyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo."
Kay Inay ko rin natutunan ang genetics: "Nagmana ka talaga sa ama mong walanghiya."
Kay Itay ko natutunan ang humor: "Pag naputol ang paa mo sa kalalaro mo niyang itak, huwag kang tatakbu-takbo sa akin."
Sa kanya ko rin nabatid ang envy: "Maraming bata riyan na walang magulang. Di ba kayo nagpapasalamat na nandito kami ng Inay nyo?"
Kay Inay at Itay ko naintindihan ang gulong ng buhay. Ika ni Inay isang umaga: "Matanda ka na, matuto ka nang maglaba ng medyas mo." Nung gabi, sabi naman ni Itay: "Bata ka pa, saka na kita ibibili ng bike."