Peligroso iyan sa konstruksyon. Diyan nagmumula ang mga gumuguhong mga gusali at iba pang imprastruktura. Pero bakit nakalulusot ang mga hinayupak na producers na ito na walang inalintana kundi kumita ng malaki sa kapahamakan ng taumbayan?
Unfair competition pa ang dulot ng mga tagagawang ito. Siyempre, komo substandard, mas naibebenta nila ng mura ang kanilang produkto. Marami nang mga honest manufacturers ang nagsara diumano dahil di kayang tapatan ang mas mababang presyo ng mga hunghang na ito.
Sec. Roxas, aksyon naman! Anang mga nagreklamo sa atin, marami nang naisampang kaso sa DTI laban sa mga hardware at manufacturers na gumagawa at nagbebenta ng mga palpak na produktong ito.
Panahon na para ipasara ang mga kompanyang ito. Hindi lang ipasara kundi ang mga may-ari ay lapatan ng mabigat na parusa. Balita ko rin ay may dalawang kompanya sa Cavite at Bulacan na gumagawa ng mga substandard steel bars. Sabi ng aking impormante, ang dalawang kompanyang itoy may nakabinbin na kaso sa DTI. Nasaan ang aksyon?
Tinatawagan din natin ng pansin ang mga mamimili. Kung minsan ay nahihikayat tayong bumili ng mga substandard materials dahil nakakamura tayo. Isipin natin unang-una ang ating sariling kaligtasan. Baka ang ipatatayo nating bahay ay gumuho at tayo mismo at ang ating pamilya ang napisak. Tiyakin na ang bibilhin ay may tamang timbang at logo ng kumpanyang gumagawa nito.