^

PSN Opinyon

Paging DTI

- Al G. Pedroche -
BINABAHA na naman ang merkado ng mga substandard o mahinang klaseng bakal. Di lang kulang sa sukat at timbang kundi inferior quality. Iyan ang reklamo sa atin ng dalawang kontratista na dumulog sa ’tin kamakailan. Nakikiusap na tawagan natin ng pansin si Trade Secretary Mar Roxas kaugnay ng problema.

Peligroso iyan sa konstruksyon. Diyan nagmumula ang mga gumuguhong mga gusali at iba pang imprastruktura. Pero bakit nakalulusot ang mga hinayupak na producers na ito na walang inalintana kundi kumita ng malaki sa kapahamakan ng taumbayan?

Unfair competition pa ang dulot ng mga tagagawang ito. Siyempre, komo substandard, mas naibebenta nila ng mura ang kanilang produkto. Marami nang mga honest manufacturers ang nagsara diumano dahil di kayang tapatan ang mas mababang presyo ng mga hunghang na ito.

Sec. Roxas, aksyon naman!
Anang mga nagreklamo sa atin, marami nang naisampang kaso sa DTI laban sa mga hardware at manufacturers na gumagawa at nagbebenta ng mga palpak na produktong ito.

Panahon na para ipasara ang mga kompanyang ito. Hindi lang ipasara kundi ang mga may-ari ay lapatan ng mabigat na parusa. Balita ko rin ay may dalawang kompanya sa Cavite at Bulacan na gumagawa ng mga substandard steel bars. Sabi ng aking impormante, ang dalawang kompanyang ito’y may nakabinbin na kaso sa DTI. Nasaan ang aksyon?

Tinatawagan din natin ng pansin ang mga mamimili. Kung minsan ay nahihikayat tayong bumili ng mga substandard materials dahil nakakamura tayo. Isipin natin unang-una ang ating sariling kaligtasan. Baka ang ipatatayo nating bahay ay gumuho at tayo mismo at ang ating pamilya ang napisak. Tiyakin na ang bibilhin ay may tamang timbang at logo ng kumpanyang gumagawa nito.

ANANG

BULACAN

CAVITE

DIYAN

ISIPIN

IYAN

MARAMI

TRADE SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with