^

PSN Opinyon

‘Kakaning-baboy’ na update ng DFA tungkol sa bangkay ng OFW na naka-freezer sa Saudi!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UPDATE: Kasalukuyan pa ring naka-freezer ang bangkay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Norberto Vitangcol sa Riyadh, Saudi Arabia na namatay noong Disyembre 22, 2002.

Humingi ng saklolo sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO ang maybahay ng yumaong si Norberto at ang anak nito noong Abril 14. Personal na nangako sa akin si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Jose Brillantes na gagawin nila ang lahat para maibalik sa bansa ang bangkay ni Norberto.

Tahasan ko nang sasabihin sa kolum na ito na "inutil" ang tanggapan ni Brillantes. Magaling lang silang magbigay ng mga update (kaganapan) sa bagay na ito! Pero wala kaming makitang malinaw na "time table" kung kailan maiuuwi ang bangkay ni Norberto sa ating bansa.

Awang-awa na kami kay Ginang Vitangcol at sa anak nito. Nasa "itinerary" na namin ngayon ang magtungo mismo sa Saudi Arabia. May konting pag-aalinlangan lang dahil kinakailangan pa namin ng visa. Baka dito "masunog" ang aming aksiyong gagawin at mauwi sa wala.

Nasa listahan din namin ngayon si First Gentleman, kung saan personal na makikipagkita ako sa kanya para sa ibang bagay. Isasama ko na ang problema ni Ginang Vitangcol. Dito, susubukan ko kung ano ang magagawa ni First Gentleman. Alam kong tumutulong din siya sa mga nangangailangan.

Nung ako’y nasa Cebu nitong nakaraang Holy Week, marami ang tumawag at nag-text sa akin. Nakikiusap na huwag ko raw bitiwan ang problema ng pobreng ginang. Nakaranas din daw sila ng ganito, ngunit hindi tumagal. Mapalad daw sila at nagpapasalamat sa Poong Maykapal na hindi nila dinanas ang "kalbaryo" ni Gng. Vitangcol.

Narito naman ang liham na ipinadala sa amin ng DFA na maituturing kong "kakaning-baboy". Akala siguro ng mga ito ay malaking "accomplishment" at karangalan ang naipadala nilang "basura" na tinatawag nilang update.
* * *
Dear Mr. Tulfo,

Per your telephone conversation with Mr. Ramon C. Nerida today regarding developments on the shipment of remains of the late Norberto Vitangcol, we are pleased to inform you that the Philippine Embassy in Riyadh reported on 26 April 2003 that Mr. Nael, police officer handling the case of the late Norberto Vitangcol, has already instructed the employer of the late Vitangcol to expedite the processing of the clearances for the shipment of remains.

Mr. Nael even described to the Embassy that the employer is "idiot/crazy" for delaying the processing and not exerting extra efforts on the case. He requested the Embassy to call up again for further developments.

The embassy tried to contact the employer but to no avail. It is apparent that the employer is avoiding the embassy’s call. The embassy will continue to communicate with the employer until the remains are finally shipped to the Philippines.

Rest assured that the Department is doing its level best to facilitate the shipment of the remains of the late Norberto Vitangcol, and you will be informed of further developments on the matter.

Very truly yours,
Petrolina P. Garcia
Executive Director
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EXECUTIVE DIRECTOR

FIRST GENTLEMAN

GINANG VITANGCOL

MR. NAEL

NORBERTO

NORBERTO VITANGCOL

SAUDI ARABIA

VITANGCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with