^

PSN Opinyon

Accountant na nagpalsipika ng OT

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Rose ay 18 taon nang accountant sa isang financing company subalit tinanggal siya sa trabaho dahil nagpalsipika siya ng mga rekord sa tauhan ng kumpanya, sa medikal at iba pang rekord para sa pansariling kapakanan.

Ang kanyang kaso ay nauugnay sa kanyang overtime. Nasasaad kasi sa overtime slip niya noong Disyembre 6, 1993 na nag-overtime siya noong Nobyembre 16, 17, 18, 22, 23 at 24, 1993. Subalit natuklasang pagkatapos pirmahan ng kanyang superyor ang kanyang overtime slip sa overtime niya noong Nobyembre 16, idinadagdag ni Rose ang mga petsang 17, 18, 22, 23 at 24, kaya lumalabas na nag-overtime siya sa mga petsang ito.

Muling nagdagdag ng petsang 14 si Rose sa kanyang awtorisadong overtime slip noong Disyembre 13. Dahil sa mga inaakalang overtime ni Rose, nagbayad ang kompanya ng kaukulang kompensasyon na P1,483.03.

Nang mapag-alaman na may iregularidad sa mga overtime slips, nagsagawa ang kompanya ng isang imbestigasyon. Napag-alaman sa resulta ang ginawa ni Rose na palsipikasyon.Tinanggal sa trabaho si Rose. Isang kasong kriminal ang isinampa laban kay Rose. Samantala, nagsampa naman siya ng illegal dismissal laban sa kompanya kasama ang bayad-pinsala.

Pagkatapos paboran ang legal na pagtanggal kay Rose sa serbisyo, napawalang-sala naman siya sa kasong kriminal. Sa paniniwalang dahil wala siyang kasong palsipikasyon, wala raw maaaring basehan para siya matanggal sa trabaho. Inapila niya ito sa Court of Appeals. Tama ba si Rose?

MALI.
Substantial ang ebidensya na kailangan lamang para mapatunayan na legal ang pagtanggal kay Rose sa trabaho. Samantalang proof beyond reasonable doubt naman ang ebidensyang kinakailangan sa kasong kriminal. Ayon sa mga voluntary arbitrators, ibinase nila ang legal na pagtanggal kay Rose sa mga ebidensiyang isinumite sa kanila at ito ay sustantibo. Hindi na rin maibabalik sa trabaho si Rose kahit na hindi naging sapat ang ebidensya laban sa kanya sa kasong kriminal. (Ramoran vs. Jardine CMG Life Insurance Co. Inc. G.R. #131943 February 22, 2000)

AYON

COURT OF APPEALS

DAHIL

DISYEMBRE

LIFE INSURANCE CO

NOBYEMBRE

OVERTIME

ROSE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with