^

PSN Opinyon

GSIS, maging makatao at makatarungan naman kayo!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA kolum na ito, ipinaaabot namin sa pamunuan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang aming mariing mensahe, maging makatao at makatarungan naman kayo!

Kung kaya n’yong bumili ng milyun-milyong halagang paintings ni Juan Luna mula sa inyong manage fund, magkano lang naman ang P11,174 na disability pension claims ng isang pulis na sa kasalukuyan ay may malubhang karamdaman.

Dadagdagan ko pa at ididiretso ko na ang aking mensahe kay GSIS President at General Manager Winston Garcia, "Sir, pang-kape n’yo lang ang halagang ito sa inyong mga official trips abroad."

Batu-bato sa langit, para sa ilang mga DOM (Dirty Old Men) executives ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC) pang-tip lang nila ito sa kanilang mga kulasising GRO diyan sa Classmate, Quezon City.

Mr. Winston Garcia, lingid sa iyong kaalaman, madudungisan ‘yang iyong tanggapan sa dahilan nitong si Marcelino Alejo, manager ng Employee’s Compensation Department ng GSIS.

Ayon kay Alejo, magbayad muna raw ’yung mga ahensiya ng gobyernong may utang sa GSIS. At kapag nakasingil na ang GSIS ay saka lang mababayaran ’yung nagdurusang si SPO1 Jaimie Langomez. Kasalukuyang may komplikasyon siya sa puso at sa kidney at nangangailangan ng tulong.

Samakatuwid, hangga’t hindi nagbabayad ’yung mga hayupak, kung sinuman ang mga tinutukoy nitong si Alejo, magtiis muna ang pobreng pamilya ni Langomez sa kalbaryong ito.

Ikinararangal n’yo ba ito sa GSIS? Bakit hindi mo sapakin sa sentido ’yang si Alejo nang matauhan? Ipinagmalaki pa sa akin nitong magaling mong manager na araw-araw naman daw kayong nagmi-miting sa mga problemang tulad nito.

Hindi kayang sabihin ni Alejo na "inutil" ang inyong mga miting dahil kahit pag-untug-untugin n’yo ang inyong mga ulo sa paggawa ng solusyon, wala naman kayong aksiyon.

Ang masahol dito ay pinagbabalik-balik at itinuturo kung kani-kanino ang maybahay nitong si SPO1 Langomez. Maraming beses na raw nangyari ito at hindi na nakatiis ‘yung maybahay ni Langomez na nagbiyahe pa mula sa Basilan para lamang makipagkita sa amin at humingi ng saklolo.

Ako na mismo ang makapagsasabi na talagang walang magagawa itong si Alejo kung hindi mo panghihimasukan, Mr. Winston Garcia. Isang simpleng reklamo na alam kong magagawan mo ng solusyon "out of Christian act and humanitarian consideration".

Kung gusto mo ng kopya ng aking live interview kay Alejo sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO kahapon sa DZME, ako na mismo, personal na magdadala sa iyo. Nang sa gayon ay makausap kita ng harap-harapan, alang-alang sa pamilya ni Langomez.

Sa kolum na ito, umaasa kami na hindi n’yo na kami bibigyan ng pagkakataon na makipagkita sa inyo ng harap-harapan kasama ang aming TV crew sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Naniniwala akong hindi lang nakakaabot sa inyo ang problemang tulad nito.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o magtext sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us: [email protected]

ALEJO

COMPENSATION DEPARTMENT

DIRTY OLD MEN

GENERAL MANAGER WINSTON GARCIA

GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS

LANGOMEZ

MR. WINSTON GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with