^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Halukayin ang Mindoro murder

-
ANG pagpatay sa dalawang human rights activists sa Oriental Mindoro ay nagpapaalala sa masamang larawan ng kahapon. Ganitong-ganito ang mga nangyari noong dekada 70 na umabot pa hanggang dekada 80 kung saan maraming aktibista ang tinoturtyur at saka walang awang pinapatay. Maski babae ay hindi pinatatawad. Paano ba pinatay sina Edgar Jopson, Mac-liing Dulag at iba pa noong panahon ni dating President Ferdinand Marcos. Binistay ng bala ang katawan habang nakagapos. Itinapon ang katawan sa liblib na lugar. Gaano kahayop ang ganitong uri ng pagpatay na ang makagagawa lamang ay wala sa sariling pag-iisip.

Noong Lunes (April 21), dakong alas siyete ng gabi, dinukot ng mga lalaking naka-bonnet na nagpakilalang mga Alsa Masa sina Eden Marcellana, Eddie Gumanoy, Melvin Jocson, Francisco Saez at Virgilio Catoy. Nakasakay sila sa isang van ng dukutin sa bayan ng Naujan. Kinabukasan, April 22 natagpuan ang bangkay nina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy sa Bgy. Tigisan, Bansud, Oriental Mindoro. May saksak at dalawang tama ng bala sa mukha si Eden samantalang may tama si Gumanoy sa dibdib at batok. Ang tatlong dinukot ay buhay at natagpuan sa Bongabon.

Si Marcellana ay secretary general ng human rights watchdog Karapatan sa Southern Tagalog samantalang si Gumanoy ay chairman ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK).

Nagtungo sa Mindoro ang dalawa para imbestigahan ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao ng military na pinamumunuan ni Col. Jovito Palparan, commander ng Army’s 204th Infantry Brigade. Mariin namang itinanggi ni Palparan ang akusasyon.

Ang ganitong uri ng pagpatay ay maaari pang magpatuloy kung hindi gagawa ng paraan si President Gloria Macapagal-Arroyo. Sinabi ng Presidente kamakalawa na ang vigilantism ay isang uri rin ng terorismo na dapat matigil. Nang magsalita si Mrs. Arroyo sa pagtatapos ng mga barangay watchers, ipinag-utos niya sa Department of Justice ang masusi at malalim na pag-iimbestiga sa karumal-dumal na pagpatay. Hindi aniya ito dapat ipagwalambahala.

Kung sinsero si Mrs. Arroyo sa kanyang pinag-uutos sa DOJ, dapat ay atasan din niyang magbitiw muna sa tungkulin ang kasangkot na colonel para mabigyan ng malayang pag-iimbestiga sa kaso. Hindi rin dapat military ang mag-iimbestiga rito upang hindi magkaroon ng white wash. Ang pamahalaan ang matatalsikan ng "putik" dito.

vuukle comment

ALSA MASA

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE GUMANOY

EDEN MARCELLANA

EDGAR JOPSON

FRANCISCO SAEZ

GUMANOY

INFANTRY BRIGADE

MRS. ARROYO

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with