^

PSN Opinyon

Nagselos kaya nanaksak

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Joaquin ay masugid na manliligaw ni Cynthia. Sa isang sayawan ng kanilang barangay, ipinakilala ng mga kaibigan si Cynthia kay Carlos. Nagsayaw ng buong gabi ang dalawa na ikinagalit ni Joaquin.

Nang matapos ang sayawan at nang papauwi na si Carlos, hinarang siya ni Joaquin at binato. Nang makita ni Carlos na may patalim si Joaquin, tumakbo na lamang ito subalit inabutan pa rin siya. Kaya, hinarap na lamang niya si Joaquin ngunit pinagsasaksak siya nito sa harapang bahagi ng katawan. Namatay agad si Carlos.

Si Joaquin ay kinasuhan at nahatulan ng murder dahil sa patraidor (treachery) na pagpatay kay Carlos. Umapila si Joaquin sa Korte Suprema at iginiit na dapat ay homicide lamang ang kanyang kaso dahil hindi naman patraidor ang kanyang pagpatay kay Carlos. Tama ba si Joaquin?

Tama.
Sa patraidor na pagpatay upang maging murder, kinakailangang napatunayan na ang nahatulan ay sadyang gumamit ng pamamaraan ng pagpatay upang matiyak nito ang pagsasagawa ng krimen nang walang panganib sa kanyang sarili.

Sa kasong ito, hindi nagtraidor si Joaquin sa pagpatay kay Carlos. Ang pambabato niya ay naging babala pa nga kay Carlos na may pakay siyang masaktan pa ito. Nabigyan si Carlos ng pagkakataong maghanda at lumaban o kaya’y tumakbo na lamang.

Bukod dito, ang mga saksak na natamo ni Carlos ay sa harap at hindi sa likod. Hindi masasabing patraidor na pinatay ni Joaquin si Carlos kaya, si Joaquin ay nahatulan ng homicide at ng mas mababang parusa (People vs. Bernardo G.R. No. 97141-42, May 24, 1993).

vuukle comment

BERNARDO G

BUKOD

CARLOS

JOAQUIN

KAYA

KORTE SUPREMA

NABIGYAN

NANG

SI JOAQUIN

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with