^

PSN Opinyon

"Psst... sulat para sa 'yo!"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAGKAROON ang inyong lingkod ng pagkakataong makilala ang asawa ni Clarence Benwaren, ang batang mayor ng Tineg, Abra, na binaril at pinatay sa loob ng isang simbahan, sa paa ng altar sa San Isidro Labrador, Calauan, Laguna. Si Mayor Clarence nun, Oct. 29, 2002 ay nagnininong sa kasal sa isang taga-Tineg, Abra at ginanap ang kasalan sa Laguna. Hindi natin nakausap si Soledad, o Sol. Sina Henry, Lenin at Tony ang ating nakapanayam. Nakaharap natin si Sol, nitong nakaraang Holy Week sa Baguio at naibuhos niya sa atin ang lahat ng kanyang dinadala sa dibdib. Mga nagpapasakit sa kanya at magmula pa ng mapatay ang lalakeng bukod tangi niyang minahal, ngayon lamang siya nagsalita. Gumawa ng isang liham si Sol, hindi para sa akin lamang kundi para sa ating lahat. Marahil sa ganitong paraan, baka merong makabasa at maantig ang kalooban upang lumabas at maglakas loob na magpahayag kung sino nga ang nagpapatay kay Clarence Benwaren. Narito ang liham ni Soledad Benwaren.

"Sa likod ng mga ngiti at halakhak ay nandon ang pait at lungkot. Napakasakit isipin na ang taong minahal mo ng husto ay wala na sa buhay mo.
Ang mga pagsubok na dumaan sa aming buhay ay lalo lamang nagpatibay sa aming pagmamahalan. Ang dami naming pangarap noon na hindi lamang para sa aming mag-asawa kundi pati na rin sa ibang tao. Pero sa isang iglap ay naglahong lahat ang mga ’yon. Noong marinig ko ang putok, I never thought that it was my husband. Sa lalim ng sugat at sakit na naramdaman ko, di ako umiyak o sumigaw nang makita ko siyang duguan. Nagdasal ako na sana panaginip lang ang lahat, na sana hindi talaga siya ’yon. The moment they took his life, kinuha na rin nila ang buhay ko dahil ang asawa ko ang aking buhay. Hindi man lang inisip ng mga nagplano at gumawa ng krimen na ’yun na kakakasal pa lang namin (3 months more at magsecelebrate sana kami ng aming 2nd wedding anniversary), wala pa kaming anak at bata pa siya na punumpuno ng mga pangarap at pag-asa. Hindi na sila naawa sa amin at natakot sa Diyos.

Suddenly, life became meaningless, I simply exist. Pero dahil sa mga kapamilya, kaibigan at maraming taong nagbibigay ng suporta at pagmamahal, unti-unti akong nakabangon at nai-focus ulit ang aking buhay. Kailangan kong magpakatatag para na rin sa pinakamamahal kong asawa at para sa lahat. Sabi nga ng isang kaopisina ko, Just remember the good times. Tanggap ko na wala na siya pero sa kaibuturan ng aking puso, buhay pa rin siya at nananatili siyang buhay sa isip at puso ko at eto ang dahilan kung bakit ayaw kung tawagin na biyuda. Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal na mahal din niya ako. We never failed na sabihin sa bawat isa na I love you very much. Spoiled ako sa kanya at sobra siyang maalahanin lalo na kung masama ang pakiramdam ko at siyempre ganon din siya sa akin. Lahat ng ito ay naputol dahil lamang sa kasakiman at kasamaan ng ibang tao. Wala silang puso at konsensiya, Diyos na ang bahala sa kanila dahil alam ko na kapag langit ang naningil ay mas matindi at mas masakit. Gusto kong umiyak ng malakas at magsisisigaw subalit sadyang napakalalim ng nilikha nilang sugat na di ko mailabas ang labis kong paghihinagpis.

I know God has a purpose why he allowed this to happen subalit di ko pa rin mapigil ang mag-isip kung bakit nangyari ang trahedyang ito sa aming mag-asawa, I always ask why this has to happen, bakit kailangang maisakripisyo ang buhay ng asawa ko, it’s just not fair. Nag-celebrate ako ng aming 2nd wedding anniversary last 20 January 2003 with my family in Baguio at ganon din ang ginawa sa Abra ng aming pamilya for my request. We celebrated the occasion na para bang buhay siya at kasama namin, sana ay pakinggan ng Diyos at matupad ang matagal ko nang mga dinadalangin. Kahit ordinaryong tao lang kami at hindi mayaman, sana ay magkaroon o makamit namin ang katarungan sa pamamagitan ng ating mga dasal at ng mga taong laging handang tumulong. Saan man naroroon si Boyet ay alam kong ’yon din ang kanyang isinisigaw at di siya matatahimik hangga’t di nagbabayad ang mga dapat magbayad. Kaya sana ay patuloy na kumilos ang mga ahensiyang nakatutok sa kasong ito at ganun na rin ang ating pamahalaan.


SA PUNTONG ITO, nakikiisa po kami kay Mrs. Sol Benwaren at nananawagan din kami sa mga maaaring makatulong. Lumabas kayo para mabigyan-katarungan ang pagkapatay ng batang mayor ng Tineg, Abra. Meron po tayong Witness Protection Program sa Department of Justice at si Undersecretary Jose Calida, Jr., ang mismong nag-gagarantiya na ilalagay kayo dun at walang makagagalaw sa inyo. Sa mga taong may kinalaman, nanganganib ang inyong buhay. Hindi malayong ang mastermind ang siya ring magpapatay sa inyo. Meron tayong kasabihan, "DEAD MEN TELL NO TALES."

Para sa anumang impormasyon, comments o suggestions maaari n’yo akong i-text sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa 7788442.

ABRA

AMING

BUHAY

CLARENCE BENWAREN

DIYOS

PARA

SIYA

TINEG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with