^

PSN Opinyon

Saklolo sa nangangailangan: 'ACTION CENTER' ng BITAG at BAHALA SI TULFO

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KUMAKAPAL ang bilang ng mga nagrereklamo at mga nagsusumbong sa aming tanggapan araw-araw.

Karamihan sa kanila ay nanggagaling pa sa malalayong probinsiya, maipaabot lang ang kanilang mga hinaing. Maaga pa lang ay nakapila na sila, hinihintay ang pagbubukas ng aming tanggapan.

Dahil dito, sinimulan na namin nitong nakaraang Lunes, Abril 14, ang paglunsad ng magkasanib na puwersa ng BITAG at Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO "ACTION CENTER".

Nagdagdag na rin kami ng mga staff upang tugunan ang mga reklamo’t sumbong tulad ng pang-aabuso, panloloko, panlalamang, at pang-aapi ng mga nasa kapangyarihan.

Kapuna-puna ang biglang dami ng paglapit ng mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFW) mula nung inumpisahan naming panghimasukan ang problema ng isang OFW sa Saudi na si Redanny Monserate.

Sumusunod dito ay ‘yung pagdami ng mga kasong may kinalaman sa mga karumal-dumal na krimen na inilalapit ng pamilya ng mga biktima.

Pumapangatlo rito ang mga kasong panloloko at panggagantso ng mga kumpanya tulad ng mga recruitment agencies, mga security agencies, at "pagnanakaw" ng mga employer.

Ito’y sa pamamagitan ng regular na pagkaltas ng mga employer ng kontribusyon sa Social Security Systems (SSS) ng kanilang mga empleyado, na hindi naman inihuhulog sa SSS.

Walang pinipili at hindi namimili ang pinagsanib na puwersa ng BITAG at Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO ACTION CENTER. Hangad naming makatulong sa mga inagrabyado, niloko, at inapi.

Layunin naming matuldukan ang pang-aabuso ninuman sa kapangyarihan at makamtan ng mga nabiktima ang tamang kahihinatnan, ang hustisya.

Bukas ang tanggapan ng BST Tri-Media Concept

ABRIL

BUKAS

DAHIL

HANGAD

IMBESTIGASYON

REDANNY MONSERATE

SOCIAL SECURITY SYSTEMS

TRI-MEDIA CONCEPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with