^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pag-asa sa Muling Pagkabuhay

-
EKSAKTONG alas-tres noong Biyernes ay naging makulimlim ang langit sa ilang bahagi ng bansa. Dulot marahil nang papalapit na bagyong si Amang na tinatahak ang direksiyon ng Norhern Luzon. Ang pangungulimlim ay para bang nakikiramay sa pagkamatay ng Mananakop na si Jesus sa krus. May 14 na deboto ang nagpapako sa krus sa Pampanga. Sa pagbaon ng matulis na pako sa kanilang palad ay naibsan ang kanilang kasalanan at natupad ang pangako. Ang dugong bumulwak ay unti-unting natuyo. Makalipas lamang ang ilang minuto ang pangulimlim ng langit ay nawala. Nahawi ang tumakip na ulap at naging maningning ang langit. Lumitaw ang liwanag ng bagong pag-asa.

Maraming nasaktan at nabigo subalit katulad ng dinanas ng Mananakop na kamatayan sa krus, ang lahat ay may pag-asa at makikita ang liwanag. Mabubuhay na muli ang namatay na pag-asa.

Katulad ng mga biktima at mga naulila ng pambobomba sa Davao International Airport at Sasa wharf kamakailan, ang sugat ng nangyari ay sariwa pa subalit mapapawi rin iyon at matatanggap nang maluwag sa kalooban ang nangyari. Maniniwala na makakamit din nila ang hustisya at mapaparusahan ang mga walang kaluluwang mamamatay-tao.

Bago mag-Biyernes Santo, anim na miyembro ng pamilya ang natupok ng apoy sa Tramo St., Pasay City. Nakulong sa loob ng kanilang bahay ang mag-anak na Pascua at isa lamang ang nakaligtas. Sa isang iglap anim na buhay ang nawala. Malalim ang sugat na nalikha sa mga naiwan subalit ang bagong liwanag ng pag-asa ay tiyak na sisikat din.

Hanggang sa kasalukuyan, ang apat na babaing bihag ng mga teroristang Abu Sayyaf ay hindi pa napalalaya. May siyam na buwan na sa mga kamay ng terorista sina Nori Bendijo, Emily Mantic at ang maghipag na sina Cleofe at Florida Montulo subalit wala pang malinaw na balita kung nasaan na sila. Ang apat ay kinidnap noong Agosto 20, 2002 sa Sulu habang nagtitinda ng mga herbal medicine. Sila ay mga miyembto ng Jehovah’s Witnesses. Ang kanilang mga mahal sa buhay ay naghihintay sa kanilang pagbabalik at malaki ang pag-asang magkakasama-sama na sila.

Namatay ang pag-asa ng mga magulang ng isang domestic helper sa Hong Kong na namatay sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Masakit ang pangyayari sapagkat hindi na nila nakita ang katawan ng anak sapagkat sinunog na para hindi makahawa. Subalit ang namatay na pag-asa ay muling mabubuhay. Muling sisikat ang liwanag sa kanilang mga puso. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa lahat.

ABU SAYYAF

BIYERNES SANTO

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

EMILY MANTIC

FLORIDA MONTULO

HONG KONG

MALIGAYANG PASKO

MANANAKOP

NORHERN LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with