^

PSN Opinyon

Ipinagkanulo ni Judas si Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SI Jesus ay pumili ng 12 alagad upang tulungan Siya sa Kanyang misyon. Si Judas ay isa sa mga pinili niya. Subalit isang malaking pagkakamali ang ginawa ni Judas nang ipagkanulo niya si Jesus. (Mt. 26:14-25)

"Si Judas Iscariote, isa sa Labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong saserdote. ‘Ano po ang ibibigay n’yo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Jesus?’ tanong niya. Noon di’y binilangan nila siya ng tatlumpung salaping pilak. Mula noon humanap na si Judas ng pagkakataon upang ipagkanulo si Jesus.

"Dumating ang unang araw ng kapistahan ng Tinapay na walang Lebadura. Lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, ‘Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng hapunang Pampaskuwa?’ Sumagot Siya, ‘Pumunta kayo sa lungsod at hanapin ninyo ang taong ito. Sabihin sa kanyang ganito ang pinasasabi ng Guro: ‘Malapit na ang aking oras. Ako at ang mga alagad ko’y sa bahay mo kakain ng hapunang Pampaskuwa.’ Sinunod ng mga alagad ang utos ni Jesus, at inihanda nila ang hapunang Pampaskuwa.

"Nang gabing yaon, dumulog sa hapag si Jesus kasama ang labindalawang alagad. Samantalang sila’y kumakain, nangusap si Jesus, ‘Sinasabi ko: Isa sa inyo ang magkakanulo sa Akin.’ Nanlumo ang mga alagad, at isa’t isa’y nagtanong sa Kanya, ‘Ako po ba, Panginoon?’ Sumagot Siya, ‘Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang Anak ng Tao, ayon sa nasusulat, ngunit sa aba ng magkakanulo sa kanya! Mabuti pang hindi na ipinanganak ang taong iyon.’ Si Judas na magkakanulo sa Kanya ay nagtanong din, ‘Guro, ako po ba?’ Sumagot si Jesus, ‘Ikaw na ang nagsabi’."


Maingat na pinlano ni Judas ang pagkakanulo kay Jesus. Sa hardin ng Getsemani natagpuan ng taksil ang pinagtaksilan. Nilapitan ni Judas si Jesus at tinawag itong "Rabi," hinalikan at niyakap! Ito ang palatandaan na kanyang ibinigay sa mga huhuli kay Jesus. At si Jesus ay kanilang sinunggaban at dinakip.

Tayo rin ay nagkanulo kay Jesus. Mas ninanais pa natin ang pera at impluwensiya. Sa pakikitungo sa kapwa, pinagsisinungalingan natin sila. Hindi tayo nagsasabi ng katotohanan. Nalulungkot tayo sa ginawa ni Jesus. Nalulungkot din tayo sa ating sariling pagkakanulo kay Jesus. Hinihingi natin ang Kanyang kapatawaran.

GURO

JESUS

JUDAS

KANYA

KANYANG

NALULUNGKOT

PAMPASKUWA

SI JUDAS

SUMAGOT SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with