Isang top-brass official si Ms. Gagamba, very juicy ang puwesto nito kahit na nagkasuput-supot ang kaso nito sa Korte.
Extortion lang naman ang isa sa mga kaso ni Ms. Gagamba, DOTC Secretary Mendoza, Your Honor!
Ang mga galamay ni Ms. Gagamba ay itinutulak niyang mabigyan ng matitinding posisyon sa airport kahit na pekadores at extortionist ang mga ito.
Ika nga, kung ano ang puno siya ang bunga!
Kuwaresma, kaya ayaw muna sanang batikusin ng mga kuwago ng ORA MISMO itong grupo ni Ms. Gagamba, pero kinukutingting tayo ng mga taga-airport panay ang sumbong at kulit sa atin.
Dapat ang Civil Service Commission, ang umaksyon sa grupo ni Ms. Gagamba pero mukhang walang nangyayari dahil remain secret sa CSC ang ginagawang kagaguhan ng mga galamay ni Ms. Gagamba.
May isang galamay si Ms. Gagamba na kinasuhan ng falsification of public documents pero nilabhan ito kaya lang hindi yata naikula kaya namamayagpag na naman ang kamote sa airport.
Ang isa ay extortion ang kaso pero umuugong na babalik sa puwesto kasi tapos na raw ang kaso? Sa administrative case, naluto na pero hindi kinasuhan ng kriminal. Kaya tiyak whitewash?
Maraming matitinding kaso sa NAIA, ang sasabog pagkatapos ng Semana Santa? Nangingilin pa ang mga Katoliko dito kaya easy muna sila.
Maraming tsapit sa airport ang ibinulsa ng grupo ni Ms. Gagamba, sila-sila lamang daw ang nakinabang kaya dapat imbestigahan ito ng Ombudsman?
"Anu-ano ba ang kaso diyan sa airport?" tanong ng kuwagong Kotong Cop.
"Naku, matindi andiyan ang mangongotong, mamemeke ng public documents, mambubulsa ng pera ng gobyerno, etcetera," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ano ang ginagawa ni Manda rito?" tanong ng kuwagong sepulturero.
"Abala sa kalalakbay si Manda dahil sa SARS?"
"Akala ko ba ay SARS-free ang Pinas?"
"Sa Severe Acute Respiratory Syndrome, libre ang Pinas."
"Pero sa airport maraming a-SARS."
"Bakit?"
"Matindi ang political virus at political accommodations dito."
"Korek ka diyan, mas matindi nga sa SARS iyan! He-he-he!"