^

PSN Opinyon

Maynilad, Meralco: Pareho pero iba rin

SAPOL - Jarius Bondoc -
SINASABING palpak mag-manage ang Lopezes ng public utilities ng tubig at kuryente. Namihasa raw kasing may kamag-anak sa Kongreso na taga-protekta, at giant media network na pambambo sa mga kritiko. Kaya ginagatasan daw nila ang mga kumpanya tulad ng Meralco kung saan 16% ang pag-aari, at Maynilad kung saan 60% ang hawak nila.

Ipagpalagay nang tama ang akusasyon, malalaki rin ang pagkakaiba ng Meralco at Maynilad:

Ang Meralco, na inutusan ng Korte Suprema na i-refund ang P28-bilyong overbillings nu’ng 1994-1998 sa siyam na milyong customer, ay pag-aari rin ng 80 milyong Pilipino. Meron kasing 12% shares ang Land Bank at Development Bank of the Philippines mula sa kaban ng bayan. Bukod dito, pag-aari din ang Meralco ng 23 milyong SSS members at 4.5 milyong GSIS members. Meron kasing 14% shares ang SSS at GSIS mula sa buwanang kontribusyon ng members. Pag-aari din ito ng halos 75,000 maliliit na investors-mga empleyado’t entrepreneurs na namili ng stocks ng Meralco para patubuan.

Sa madaling salita, kung pasukahin ang Meralco ng biglaang P28-bilyong refund, babagsak ito. Malulugi ang mamamayan, SSS at GSIS members, at 75,000 investors na karamihan’y hindi naman nasasakupan ng electricity franchise sa Metro Manila.

Ang Maynilad, na nagsuko ng west zone concession nu’ng Dec. 9, 2002, ay 60% pag-aari ng Lopezes at 40% ng Ondeo Ltd. ng France. Angal nito, nalugi sila dahil sa kapabayaan ng MWSS, kaya dapat isoli ang P19-bilyong puhunan at operating losses. Sagot naman ng MWSS, kasalanan lahat ng Maynilad, kaya 75% lang ng kapital, o P5.7 bilyon, ang isosoli. Pero meron ding P5.5 bilyong overbillings ang Maynilad na dapat i-refund sa pitong milyong customers , kaya kuwenta tabla na.

Ang solusyon sa Maynilad, ibenta na sa International Finance Corp. ng World Bank ang 11% ng Lopezes, tapos ipa-manage ito sa Ondeo na pinaka-matanda at pinaka-malaking private utility sa mundo.

vuukle comment

ANG MAYNILAD

ANG MERALCO

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

INTERNATIONAL FINANCE CORP

KORTE SUPREMA

LAND BANK

LOPEZES

MAYNILAD

MERALCO

MERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with