Ayon sa matatanda sa Bundok Banahaw, may mga bato roon na mababakas ang mga yapak ni Jesus. Pinaniniwalaang sagrado ang Barangay Kinabuhayan na ayon sa matatandang tubong Dolores, Quezon at mga grupo ng mananampalataya, sa lugar na iyon naganap ang paghihirap ni Jesus. Makikita ang malaking batong buhay na sinasabing doon nadapa si Jesus habang pasan ang mabigat na krus.
Batong buhay ng inukitan ng larawan ni Santa Maria na karga ang Santo Niño. Ang tubig na buhat sa mga bukal ng Bundok Banahaw ay sinasabing milagroso dahil nakapagpapagaling ito sa ibat ibang sakit. Marami ang nagpatotoo nito. Isang alamat ang Bundok Banahaw at ang katotohanan sa anumang lihim at hiwaga na bumabalot sa Bundok Banahaw ay mananatiling nakakubli sa kagubatan.