^

PSN Opinyon

Mga hiwaga ng Bundok Banahaw

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NGAYONG Semana Santa ay dagsa ang magtutungo sa Bundok Banahaw sa Quezon Province. Karamihan sa kanila ay mga deboto ng Jesus Nazareno na naniniwala na sa naturang bundok naganap ang Kalbaryo ni Jesus. Sa paanan ng bundok ay bubungad ang Pinto ng Jerusalem at makikita ang imahen ni Birhen Maria na Dolorosa at ang landas na tatahakin ay tatagos sa Husgado Cave. Marami ang hindi nakakapasok sa makipot na bunganga ng kuweba at sinasabi na tanging mga taong mababait at malilinis ang kalooban ang pinapayagang makapasok sa masikip at mabatong lagusan.

Ayon sa matatanda sa Bundok Banahaw, may mga bato roon na mababakas ang mga yapak ni Jesus. Pinaniniwalaang sagrado ang Barangay Kinabuhayan na ayon sa matatandang tubong Dolores, Quezon at mga grupo ng mananampalataya, sa lugar na iyon naganap ang paghihirap ni Jesus. Makikita ang malaking batong buhay na sinasabing doon nadapa si Jesus habang pasan ang mabigat na krus.

Batong buhay ng inukitan ng larawan ni Santa Maria na karga ang Santo Niño. Ang tubig na buhat sa mga bukal ng Bundok Banahaw ay sinasabing milagroso dahil nakapagpapagaling ito sa iba’t ibang sakit. Marami ang nagpatotoo nito. Isang alamat ang Bundok Banahaw at ang katotohanan sa anumang lihim at hiwaga na bumabalot sa Bundok Banahaw ay mananatiling nakakubli sa kagubatan.

vuukle comment

BARANGAY KINABUHAYAN

BIRHEN MARIA

BUNDOK

BUNDOK BANAHAW

HUSGADO CAVE

JESUS NAZARENO

MARAMI

QUEZON PROVINCE

SANTA MARIA

SANTO NI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with