^

PSN Opinyon

Panloloko sa text

SERGIOSOHAN - SERGIOSOHAN Ni Sergio A.F. Apostol -
Isang araw, nakatanggap ang misis ko ng text mula sa isang Mr. Johnny Santos daw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).Ayon sa kanyang text, nanalo ang misis ko ng P10 million. May ibinigay na number doon na dapat daw tawagan ni Misis.

Agad naming tinawagan ni Misis ang numerong ibinigay. Ayon sa nakasagot na umano’y manager sa PCSO, makukuha daw namin ang P10 million kung ibibigay daw namin ang account number namin sa banko at bibili kami ng call card ng cellphone na worth P900.00. Tapos iti-text namin sa kanya ang PIN ng mga call card. Idedeposit naman daw niya ang P10 million sa aming bank account.

Kaduda-duda po ang mga sinabi ng lalaking ‘yon, kaya tinawagan ko ang PCSO. True enough, ayon sa kanila ay wala silang ganitong text promo at hindi totoong may raffle silang ganun. Mabuti na lang at hindi kami naloko ng mamang ‘yon. Muntik na kaming maging biktima ng text scam.

Ano ang maaari naming gawin sa mga ganitong pagkakataon? – Eduardo Castillo, Parañaque


Gaya po ng sinabi sa inyo ng representative ng PCSO, wala silang ganitong promo na through text messaging ay maari kang manalo. Walang lehitimong promo ng anumang kompanya ang lumalabas sa text, maliban na lamang kung may anunsyo ito sa TV o radio programs. Halimbawa, tulad ng mga napapanood natin sa iba’t ibang noontime shows. Sinasabi nila doon kung anong number ang dapat pindutin upang maipadala ang mga sagot sa kanilang katanungan.

Para sa mga nabiktima ng text scam, tumawag po kayo sa Department of Trade and Industry-NCR sa tel. No. 811-8231 loc. 1204 upang i-verify kung ang isang sales promo ay may permit o wala. Kung ang produkto ay pagkain, gamot o cosmetics, sa BFAD po kayo tumawag sa tel. No. 842-4592. Ang contact person sa BFAD complaint center ay si Mr. Joel Ubalde.

Kung walang permit na na-isyu, text scam nga ‘yon. I-report níyo ito sa National Telecommunications Commission (NTC) sa tel. No. 924-4079. Ang contact person ay si Engr. Danilo Cuenca of NTC’s One-Stop Public Assistance Center (OSPAC). Ayon pa sa NTC, ang mga ganitong text scam ay maari ring I-report sa kanilang website: "http://www.ntc.gov.ph". Once NTC has duly confirmed the text scam, they will block the particular number, so that perpetrators will be prevented from continuing their scam.

Unfortunately, ayon sa mga cellphone carriers, hindi nila maaring mahanap o ma-trace ang ganitong cellphone numbers dahil prepaid SIM ang ginamit.

Upang hindi kayo mabiktima ng ganitong text scam, huwag maniwala agad sa mga text messages nagsasabi na kayo ay nanalo ng kahit ano, lalo na kung hindi naman kayo sumali sa contest nila. The rule on sales promos is that winners should be notified by registered mail. Kung ikaw ay hinihingan ng kahit anong bayad na "processing fee", chances are, peke ang contest na ‘yon. Walang legal na contest ang nanghihingi ng bayad o call card upang makuha mo ang premyo.

vuukle comment

AYON

DANILO CUENCA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

EDUARDO CASTILLO

KUNG

MISIS

MR. JOEL UBALDE

MR. JOHNNY SANTOS

TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with