^

PSN Opinyon

Tagihawat: Dahil sa pagkain ng hamburgers at chocolates?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ISANG reader ng Pilipino Star NGAYON ang nagtanong: "Totoo po bang ang pagkain ng chips, burgers, chocolates at pag-inom ng softdrinks ay nagiging dahilan sa pagkakaroon ng tagihawat?"

Matagal na ang paniniwalang ang mga nabanggit na pagkain ay nagiging dahilan nga ng tagihawat, subalit hindi pa ito lubusang napatutunayan. Palibhasa’y may mataas na sugar at fat ang mga nabanggit kaya ito ang dahilan ng pagkakaroon ng tagihawat. Ang mga junk food ay may mataas na sugar, fat at iodine na may kasamang kemikal. Ang mga ito ang karaniwang nakahalo sa salt na ginagamit sa paggawa ng chips, crisps at iba pang convenience foods.

Ang pagkakaroon ng bad complexion o dull looking skin ay hindi dahilan sa hindi mo pagkain kundi kung ano ang iyong kinain. Ang pagkaing matatamis, snacks at alcohol ay karaniwang mababa sa minerals at vitamins.

Ipinapayo sa mga kabataang may tagihawat na dapat magbawas sa pagkain ng refined carbohydrates na matatagpuan sa sugary foods, fatty and fried foods gaya ng burgers at chips, snacks na may mataas na salt, sofdrinks at confectionary. Sa halip dagdagan ang pagkain ng mga whole grains, sariwang prutas at gulay, lean meat at katamtamang polyunsaturated oils.

Ang tagihawat ay nagsisimula sa seabaceous glands at nagpo-produce ng tinatawag na sebum na namamalagi sa butas o pore sa balat. Sebum carries dead cell debris away with it, but its over production blocks the pores with a sticky mass of oil and dead cells. When this happens, the bacteria normally present in skin convert the mass into compounds that irritate and rupture small glands, causing inflammation and unattractive pustules.

Karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng tagihawat ay emotional stress at pag-increased ng activity ng sex hormones or androgenes. Nag-i-stimulate ang mga hormones sa oil glands na karaniwang matatagpuaan sa mukha, balikat, likod at dibdib. Ang mga hormones ay specially active sa panahon ng puberty.

Makabubuti ang Vitamin A sapagkat mini-maintain nito ang malusog na skin. Ang atay at itlog ay mayaman sa Vitamin A. Mahalaga rin ang betacarotene na matatagpuan sa dark green o orange vegetables tulad ng spinach at carrot at orange fruits, kabilang ang apricots at mangga. Dapat siguruhin ng mga may tagihawat na ang kanilang diet ay mayaman sa polyunsaturated fats. Ito ang lumalaban para hindi magkaroon ng tagihawat.

DAPAT

IPINAPAYO

KARANIWANG

MAHALAGA

MAKABUBUTI

PILIPINO STAR

TAGIHAWAT

VITAMIN A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with