EDITORYAL PNP: Palaging Nasosorpresa ng Presidente
April 12, 2003 | 12:00am
HINDI na nagkaroon ng aral ang Philippine National Police kay President Gloria Macapagal-Arroyo. Alam naman nila na may bagong "gimik" si Mrs. Arroyo sa kasalukuyan at ito ay ang sorpresang pagbisita sa mga tanggapan pero hindi pa rin sila nakapaghanda.
Nasorpresa ang Pasay Police Community Precinct 4 sa Zamora St. noong Miyerkules ng gabi, dakong alas-sais, nang walang kaabug-abog na dumating doon si Mrs. Arroyo. Nagsimulang kumulo ang dugo ng Presidente nang maghintay pa ito ng 15 minuto bago binuksan ang pinto ng precinct commander na si Chief Inspector Gonzales. Ang dahilan kung bakit matagal buksan ang pinto: Nagsuot pa ng uniporme si Gonzales. Nang humarap siya kay Mrs. Arroyo ay hindi pa ganap na nakasuot nang ayos ang uniporme.
Nilektyuran ni Mrs. Arroyo si Gonzales kung paano magiging handa ang isang pulis na katulad niya. Ang hindi pagiging handa ni Gonzales ang naging dahilan para i-relieved siya sa kanyang tungkulin at inilipat sa ibang tanggapan. Pagkaraang dumaan sa PCP 4 ay sa Pasay City Headquarters naman nagtungo si Mrs. Arroyo at hindi rin naman nadatnan doon si Senior Supt. Oscar Catalan. Nasa balag na rin ng alanganin si Catalan.
Nasaan nga ba ang mga pulis? Noong Sabado, 10 armadong holdaper ang humoldap sa Equitable-PCIBank sa Makati at tumangay ng milyong piso. Katirikan ng araw sumalakay ang mga holdaper at malayang nalimas ang banko. Wala man lamang nagpapatrulyang pulis ng mga oras na iyon.
Paano kung muling sumalakay ang mga terorista at makapaghasik ng lagim dito sa Metro Manila? Dalawang sunud-sunod na pambobomba ang naganap sa Davao at ang pagkakalusot ng mga bomber ay maisisisi sa tutulug-tulog na mga pulis.
Bagamat may mga pulis na handang itaya ang buhay sa pagganap ng tungkulin tulad ni PO1 Aristotle Tacata na nakipagbarilan sa mga holdaper ng convenience store sa Makati, marami pa rin naman ang tutulog-tulog sa kanilang tanggapan at nasosorpresa ni Mrs. Arroyo.
Kailan ba magkakaroon ng aral ang PNP na kailangang handa sila sa anumang oras para proteksiyunan at pagsilbihan ang mamamayan? Hindi naman dapat tumigil si Mrs. Arroyo sa sorpresang pagbisita sa mga community precincts sa buong Metro Manila at nang makita niya kung ano ang ginagawa ng mga pulis. Masaktan na ang masaktan! Mapahiya na ang mapahiya!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest