Sinasabi na maaaring maka-survive ang tao kahit matagal siyang hindi kumakain subalit maaari siyang mamatay kaagad kapag hindi nakainom ng tubig.
Napakaimportante ng tubig sa katawan. Kailangan ang tubig para lubusang mag-function ang mahahalagang bahagi ng katawan. Kapag kulang sa pag-inom ng tubig, magkakaroon ng bato sa pantog. Kung maraming iniinom na tubig, malilinis ang pantog dahil magiging madalas ang pag-ihi. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang mga mineral, kemikal at iba pang foreign bodies na natitipon sa katawan. Mahusay ang tubig sa prosesong detoxification.
Maraming doktor ang nagpapayo na mag-water therapy sapagkat mabisa ito sa blood circulation. Ipinapayo ng mga doktor na uminom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw.
Isang beteranong TV-film actor ang humihikayat sa mga kasamahan niya sa showbiz na mag-water therapy. Datiy maputla at patpatin ang aktor subalit naging malusog siya at nag-mukhang bata nang siya ay mag-water therapy. Mahilig sa sports ang aktor. Sinabi ng aktor na malaking bagay kung siyay pinagpapawisan sa kanyang pag-eensayo. Ang masaganang pawis na inilalabas niya ay dulot ng kanyang pagwa-water therapy.