^

PSN Opinyon

Mahalaga ang tubig sa katawan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
WALANG kasing halaga ang tubig sa katawan ng tao.

Sinasabi na maaaring maka-survive ang tao kahit matagal siyang hindi kumakain subalit maaari siyang mamatay kaagad kapag hindi nakainom ng tubig.

Napakaimportante ng tubig sa katawan. Kailangan ang tubig para lubusang mag-function ang mahahalagang bahagi ng katawan. Kapag kulang sa pag-inom ng tubig, magkakaroon ng bato sa pantog. Kung maraming iniinom na tubig, malilinis ang pantog dahil magiging madalas ang pag-ihi. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang mga mineral, kemikal at iba pang foreign bodies na natitipon sa katawan. Mahusay ang tubig sa prosesong detoxification.

Maraming doktor ang nagpapayo na mag-water therapy sapagkat mabisa ito sa blood circulation. Ipinapayo ng mga doktor na uminom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw.

Isang beteranong TV-film actor ang humihikayat sa mga kasamahan niya sa showbiz na mag-water therapy. Dati’y maputla at patpatin ang aktor subalit naging malusog siya at nag-mukhang bata nang siya ay mag-water therapy. Mahilig sa sports ang aktor. Sinabi ng aktor na malaking bagay kung siya’y pinagpapawisan sa kanyang pag-eensayo. Ang masaganang pawis na inilalabas niya ay dulot ng kanyang pagwa-water therapy.

DATI

IPINAPAYO

ISANG

KAILANGAN

KAPAG

MAHILIG

MAHUSAY

MARAMING

NAPAKAIMPORTANTE

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with