Nangwaldas na, nagpawelga pa
April 11, 2003 | 12:00am
BAWAL magwelga sa mga opisinang-gobyerno. At lalong bawal kung managers mismo ang mamuno sa welga. Ang parusa: Tanggal sa trabaho at maaaring kulong pa. Pero sa SSS, na hawak ang bilyun-bilyon-piso ng 23 milyong miyembro, tila walang batas.
Nagwelga nu’ng 2001 ang ilang-daang kawani ng SSS sa Quezon City main office. Ayaw daw nila ang palakad ni noo’y president Vitaliano Nañagas. Inudyukan silang magwelga ni executive vice president mismong si Horacio Templo at siyam pang managers. Nakunan sila sa videotape, kasama ang 12 lider-unyon.
Bago ang welga, pina-imbestiga ng kauupo pa lang na Nañagas si Templo, na matagal nang taga-invest ng pera ng SSS sa stock market. Ginamit kasi ang P7.5 bilyong pera ng SSS para i-takeover ng Equitable ang PCIBank nu’ng panahon ni Joseph Estrada. Umamin pa si dating SSS president Carlos Arellano na kinulit siya ni Erap na palusutin ‘yon, pati ang pagbili ng shares ng BW Resources. Kukumisyon kasi si Erap. Nalugi ang SSS; P1.5 bilyon na lang ngayon ang halaga ng shares sa Equitable.
Naglapat din si Nañagas ng bagong alituntunin para humusay ang serbisyo ng SSS. Hinigpitan ang mga empleyado.
Nagkutsaba sina Templo at ang unyon para labanan si Nañagas.
Hinabla ng gobyerno ang 22 manager at lider-unyon. Pero inarbor ng SSS board of trustees ang kaso sa Ombudsman. Sa di-maintindihang pasya nu’ng nakaraang araw, papatawan lang ng one-month suspension si Templo at isa pang manager, at absuwelto lahat ng ibang sakdal. Si Trustee Juan Tan lang ang ayaw pumayag; sang-ayon sa magaang parusa sina chairman Bernardino Abes, president Cora dela Paz, at Trustees Pat Sto. Tomas, Donald Dee at Sergio Ortiz-Luis. Nu’ng Civil Service chief pa siya, sinibak ni Sto. Tomas ang maraming public school teachers na nagwelga dahil sa mababang suweldo na madalas pang late i-release. Pero ngayon, managers na nangwaldas na, nagpawelga pa, pinalulusot niya. Iba ba talaga ang batas para sa mayaman?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest