Ramon Montalban, the pride of Pasay City Hall Engineering Office
April 11, 2003 | 12:00am
PASAY City Engineering Construction and Maintenance Foreman RAMON MONTALBAN, bilib ako sa iyong kabaitan. Idol mo yata si "Robinhood" kung estilo ang pag-uusapan.
Maganda ang iyong prinsipyo na parang si "Alibaba". Sinisiguro mo raw na mapartehan ang lahat kapag ikay "nabigyan". Hindi mo raw kinakalimutan ang iyong mga tauhan.
Ang problema, hindi kami nakakatiyak kung napupunta nga ito sa kanila. Baka naman ginagawa mo lang silang sangkalan sa estilo ng iyong raket doon sa mga establisimiyentong iyong kinokotongan?
Tingin koy magaling ka pagdating sa package deal. Alam mo yung prinsipyo ng "hole-selling" (yung root word ay WHOLESALE). As in "binubutasan" yung kanilang "ginagatasan".
Aber, sige nga! Tingnan natin kung magbabalat-sibuyas ka. Nabalitaan kong mayroon ka raw kasagutan at paliwanag sa inyong legal office na nag-imbestiga matapos nilang mabasa ang aking kolum na ang pamagat ay "Diplomatic Kotongan sa Pasay City Hall", noong buwan ng Pebrero.
Ayon sa yong kasagutan na isinulat para sa iyo ng iyong abogado, "Its clear, therefore, that the said news article was done beyond the bounds of fairness, discretion and good taste. It was published simply to destroy my good name and reputation, including my family."
Para sa iyong attorney na sumulat, tutuwirin ko ang kanyang kamalian. "ATTY. NO CASE", you are entitled to your own opinion. I dont write news, I write columns."
At ikaw naman, Ramon Montalban, maliit ka lang na "KUPS" para pagka-abalahan ko. Ano tong sinasabi mong paninirang puri sa iyong pinangangalagaang pangalan?
Huwag mong isama sa usapan ang iyong pamilya na wala namang kinalaman sa iyong pinaggagagawa. Naghahanap ka ba ng kadamay, Ramon?"
At ano itong katatawanang sinasabi mong "You reserved the right to institute the proper criminal action and violation of Republic Act No. 4200 or Anti-wire Tapping Law, laban sa akin?"
Ito ang sasabihin ko sayo, hindi ako nang-iinis. Gusto mo tulungan pa kitang magsampa ng kaso, samahan na rin kita sa hukuman. Huwag kang mag-alala, libre ang aking serbisyo para sa iyo. All in the name of public service.
Pero, bago ka magdesisyon, isipin mo na EPEKTO lang kami ng iyong problema. IKAW ang DAHILAN. Ang lahat ng itoy kagagawan mo. Tuldukan mo na! Habang may pagkakataon ka pa.
Hindi ka ba nahihiya doon sa iyong kinotongan? Isang doctor na nagngangalang Dr. Dizon? Hiningan mo ng P3,500 para hindi na raw kayo mag-inspeksiyon. Pipirma na lang daw kayo nang nakapikit ang inyong mga mata, wala na silang problema.
Humirit ka pa raw na dapat masiyahan sila. Dahil nakamura sila sa iyo? Ipinakita mo talaga ang iyong kabaitan, tulad ni "Robin Hood". Kulang mo na lang sabihin na binarat mo na ang iyong sarili nang wala ng maraming usapan.
Pero nung natunugan mong unti-unti na naming inihahanda ang aming BITAG para sayo, hindi mo na itinuloy na kolektahin ang natitirang balanseng P1,500.00. Tsk..tsk..tsk! Hindi ka sana magiging laman ng kolum na ito kung wala kaming natanggap na reklamo. Uulitin ko ang aking sinabi, isa ka lang maliit na "kups". Marami pa kaming makakaengkuwentro na mas malaki pa sayo.
Hindi magbabago ang aming estilo at hindi kami magsasawang tugisin ang mga kapareho ninyo.
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: [email protected]
Maganda ang iyong prinsipyo na parang si "Alibaba". Sinisiguro mo raw na mapartehan ang lahat kapag ikay "nabigyan". Hindi mo raw kinakalimutan ang iyong mga tauhan.
Ang problema, hindi kami nakakatiyak kung napupunta nga ito sa kanila. Baka naman ginagawa mo lang silang sangkalan sa estilo ng iyong raket doon sa mga establisimiyentong iyong kinokotongan?
Tingin koy magaling ka pagdating sa package deal. Alam mo yung prinsipyo ng "hole-selling" (yung root word ay WHOLESALE). As in "binubutasan" yung kanilang "ginagatasan".
Aber, sige nga! Tingnan natin kung magbabalat-sibuyas ka. Nabalitaan kong mayroon ka raw kasagutan at paliwanag sa inyong legal office na nag-imbestiga matapos nilang mabasa ang aking kolum na ang pamagat ay "Diplomatic Kotongan sa Pasay City Hall", noong buwan ng Pebrero.
Ayon sa yong kasagutan na isinulat para sa iyo ng iyong abogado, "Its clear, therefore, that the said news article was done beyond the bounds of fairness, discretion and good taste. It was published simply to destroy my good name and reputation, including my family."
Para sa iyong attorney na sumulat, tutuwirin ko ang kanyang kamalian. "ATTY. NO CASE", you are entitled to your own opinion. I dont write news, I write columns."
At ikaw naman, Ramon Montalban, maliit ka lang na "KUPS" para pagka-abalahan ko. Ano tong sinasabi mong paninirang puri sa iyong pinangangalagaang pangalan?
Huwag mong isama sa usapan ang iyong pamilya na wala namang kinalaman sa iyong pinaggagagawa. Naghahanap ka ba ng kadamay, Ramon?"
At ano itong katatawanang sinasabi mong "You reserved the right to institute the proper criminal action and violation of Republic Act No. 4200 or Anti-wire Tapping Law, laban sa akin?"
Ito ang sasabihin ko sayo, hindi ako nang-iinis. Gusto mo tulungan pa kitang magsampa ng kaso, samahan na rin kita sa hukuman. Huwag kang mag-alala, libre ang aking serbisyo para sa iyo. All in the name of public service.
Pero, bago ka magdesisyon, isipin mo na EPEKTO lang kami ng iyong problema. IKAW ang DAHILAN. Ang lahat ng itoy kagagawan mo. Tuldukan mo na! Habang may pagkakataon ka pa.
Hindi ka ba nahihiya doon sa iyong kinotongan? Isang doctor na nagngangalang Dr. Dizon? Hiningan mo ng P3,500 para hindi na raw kayo mag-inspeksiyon. Pipirma na lang daw kayo nang nakapikit ang inyong mga mata, wala na silang problema.
Humirit ka pa raw na dapat masiyahan sila. Dahil nakamura sila sa iyo? Ipinakita mo talaga ang iyong kabaitan, tulad ni "Robin Hood". Kulang mo na lang sabihin na binarat mo na ang iyong sarili nang wala ng maraming usapan.
Pero nung natunugan mong unti-unti na naming inihahanda ang aming BITAG para sayo, hindi mo na itinuloy na kolektahin ang natitirang balanseng P1,500.00. Tsk..tsk..tsk! Hindi ka sana magiging laman ng kolum na ito kung wala kaming natanggap na reklamo. Uulitin ko ang aking sinabi, isa ka lang maliit na "kups". Marami pa kaming makakaengkuwentro na mas malaki pa sayo.
Hindi magbabago ang aming estilo at hindi kami magsasawang tugisin ang mga kapareho ninyo.
E-mail us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest