Public information at education ang kailangan vs SARS
April 10, 2003 | 12:00am
PINAIGTING ni MIAA general manager Ed Manda ang kampanya nito laban sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa NAIA porke maglalaan sila ng pondo para ibili ng thermometer at ibat iba pang kagamitan upang ma-detect at masala ang mga taong dumarating galing sa mga bansang apektado ng killer pneumonia.
Nagpulong ang lahat ng ahensiya ng gobyerno tulad ng DOH, MIAA, BI, Customs, PNP at airport police sa airport upang pag-usapan ang agarang pagpuksa sa lumalaking problema ng nasabing sakit.
Sa NAIA Terminal 1 arrival area malapit sa dignitaries lounge, nagtayo ng tent ang concerned agencies para doon nila salain ang mga pasaherong galing China, Hong Kong, Taipei, Singapore at ilang bansa na apektado na rin ng killer virus.
Sabi ni Manda, lahat ng mga pasahero ng mga nabanggit na lugar na darating ay kailangang dumaan sa masusing medical examination.
Malaking pondo ang kakailanganin dito, pero mas kailangan sigurong gawin ng gobyerno ang malawakang impormasyon at edukasyon para labanan ang killer virus. Prez Gloria Macapagal-Arroyo, Your Excellency!
Hindi biro ito!
Kahit sangkatutak na salapi ang ilaan dito kung kulang naman sa edukasyon at impormasyon ang Noypi ay wala ring mangyayari. Ika nga, ningas-cogon lang ang project at baka sa bulsa lang ng mga tirador ito mapunta.
Dont forget election season is just around the corner. Tama ba, COMELEC Chairman Ben Abalos, Your Honor!
Sari-saring mga ideas ang lumabas sa pulong para labanan ang SARS hanggang sa magkayari ang usapan na mabisa pa ring pang-monitor ang thermometer sa taong may sintomas ng SARS.
"Bakit ba kailangan pang maglaan ng pondo dito, samantalang sabi ni DOH Secretary Manuel Dayrit ay SARS-free ang Pinas at hindi dapat mangamba ang madlang Noypi?" tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Kaya nga kailangang i-monitor sa airport pa lang para hindi na ito kumalat sa Manila at karatig-lugar," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Kapag nakalusot ang killer virus sa Pinas tiyak ang mga awtoridad sa airport ang matatalakan dahil natutulog sila sa pansitan," anang kuwagong sepulturero na nagpupunas ng uhog.
"Sino ang magtatalak?" tanong ng kuwagong matsing.
"Siyempre si Ate Taray Glo."
"Pero sa laki ng pondo na inilaan dito, pag-aagawan iyan?"
"Saan ba talagang gagamitin ang funds?"
"Bobo mo talaga, pang-kontra nga sa sipon eh!"
"Akala ko ba pang-kontra sa SARS?"
"Gago ka talaga, kapag may SARS tiyak may sipon."
"Bakit ang laki ng pondo, sipon lang?"
"Eh kasi maraming kandidato ang sisipunin pagkatapos ng eleksiyon dahil sa kaiiyak."
"Bakit?"
"Kasi natalo sila sa eleksiyon."
"Galing mo talaga, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended