Si Chua ang napabalita ilang linggo na ang nakararaan na Chinese national na dinakip ng BI dahil isang illegal alien na malayang nakapagnegosyo at naging multi-bilyonaryo sa kanyang kompanyang Semicon. Kahit dito ipinanganak, napatunayang kapwa purong Intsik ang mga magulang ni Chua at ni minsay hindi naging Pilipino ang lekat.
Malakas daw sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno ang Tsekwang ito. Baka malakas maglagay. Kung bilyun-bilyong piso nga naman ang kinikita, putung-puto ang magtapon ng ilang milyon, di ba?
Kabilang umano sa mga umarbor kay Chua nang itoy madakip ay si Rep. Willie Villarama ng Bulacan. At marami pa tayong naisulat sa ating kolum sa ating sister paper na PM (Pang-Masa), kung papaano nakalusot sa deportasyon itong si Chua. Kung sa "magkanong dahilan" niya nabili ang kanyang kalayaan.
Ngayoy wala na tayong naririnig na follow-up story tungkol dito. Naligwak na ba (whitewash) ang kaso? Pinupuna natin ito dahil hindi makatarungan sa mga tunay na Pinoy na nagnenegosyo sa matuwid na paraan. Yung palay may mga illegal na tulad ni Chua na ka-kompitensya nila. Pananagutan ng gobyerno na protektahan ang mga mamamayan nito.
Tila hindi kaya ni Commissioner Domingo ang kanyang trabaho. Kung madali siyang matameme ng mga impluwensyal na tao sa itaas, palagay koy mag-esep-esep na siya kung patuloy niyang pamumunuan ang isang ahensyang kung sinu-sinong sindikato ang kumokontrol.