^

PSN Opinyon

Commissioner Andrea inutil ka ba?

- Al G. Pedroche -
"KAYA nga ba ayaw kong humuli ng big fish eh." Iyan raw ang naibulalas ni Bureau of Immigration Commissioner Andrea Domingo kaugnay ng kaso ni Leonardo Villalon, alias Leon Chua, ayon sa aking surot sa naturang ahensya. Kasi raw, kadadakip pa lang ni Chua ay marami nang politikong umarbor dito.

Si Chua ang napabalita ilang linggo na ang nakararaan na Chinese national na dinakip ng BI dahil isang illegal alien na malayang nakapagnegosyo at naging multi-bilyonaryo sa kanyang kompanyang Semicon. Kahit dito ipinanganak, napatunayang kapwa purong Intsik ang mga magulang ni Chua at ni minsa’y hindi naging Pilipino ang lekat.

Malakas daw sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno ang Tsekwang ito. Baka malakas maglagay. Kung bilyun-bilyong piso nga naman ang kinikita, putung-puto ang magtapon ng ilang milyon, di ba?

Kabilang umano sa mga umarbor kay Chua nang ito’y madakip ay si Rep. Willie Villarama ng Bulacan. At marami pa tayong naisulat sa ating kolum sa ating sister paper na PM (Pang-Masa), kung papaano nakalusot sa deportasyon itong si Chua. Kung sa "magkanong dahilan" niya nabili ang kanyang kalayaan.

Ngayo’y wala na tayong naririnig na follow-up story tungkol dito. Naligwak na ba (whitewash) ang kaso? Pinupuna natin ito dahil hindi makatarungan sa mga tunay na Pinoy na nagnenegosyo sa matuwid na paraan. Yung pala’y may mga illegal na tulad ni Chua na ka-kompitensya nila. Pananagutan ng gobyerno na protektahan ang mga mamamayan nito.

Tila hindi kaya ni Commissioner Domingo ang kanyang trabaho. Kung madali siyang matameme ng mga impluwensyal na tao sa itaas, palagay ko’y mag-esep-esep na siya kung patuloy niyang pamumunuan ang isang ahensyang kung sinu-sinong sindikato ang kumokontrol.

vuukle comment

ANDREA DOMINGO

BULACAN

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER

CHUA

COMMISSIONER DOMINGO

INTSIK

LEON CHUA

LEONARDO VILLALON

SI CHUA

WILLIE VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with