Butong kalabasa gamot sa bulati sa tiyan
April 6, 2003 | 12:00am
ANG threadworms at tapeworms ang mga bulating karaniwang umaatake sa tao. Ang dalawang ito ay nakukuha dahil sa pagkain ng mga pagkaing marumi o kontaminado. Naninirahan ang mga bulating ito sa bituka at ninanakaw ang mga nutrients bago ito ma-absorbed ng katawan.
Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng bulati sa bituka ay diarrhea, mahapding gutom, di-mapakali, kawalan ng gana sa pagkain at pagbaba ng timbang. Ang pagkakaroon ng bulati ay maaaring maging dahilan ng grabeng sakit at nutritional inbalance at maaring magkulang sa vitamin B12 at iron na kahahantungan sa anemia. Kapag nagkaroon ng worm infestations, hindi ito dapat ipagwalambahala. Kumunsulta agad sa doktor.
Ang mga batang below 5 year old ang karaniwang inaatake ng threadworms. Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng threadworms (tinatawag ding pinworms) ay ang pangangati ng anus kung gabi. Lumalabas sa anus ang babaing bulati kung gabi at mangingitlog bago siya mamatay. Sa pamamagitan ng pagkamot at pagkatapos ay ihahawak sa pagkain, naikakalat ang bulati sa kapwa bata at iba pang miyembro ng pamilya. Ipinapayo na maghugas lagi ng kamay bago kumain. Ang paliligo sa umaga ay ugaliin para mahugasan ang mga itlog at hindi na kumalat.
Ang tapeworms sa kabilang dako ang uri ng bulati na may kahirapang lipulin. Subalit alam nyo bang ang buto ng kalabasa o pumpkin ay mahusay para sa tapeworms. Ang pamamaraang ito ay ginawa na ng mga homeopaths, herbalists at naturapaths sa loob ng 100 taon.
Ganito ang gawin: Magfasting ng 12 oras. Maghanda ng 60 grams ng buto ng kalabasa, balatan at gilingin. Samahan ng paste na may kaunting gatas. Inumin ito pagkaraang mag-fast. Pagkaraan ng dalawang oras, uminom ng 20 ml. ng castor oil na may kahalong kaunting fruit juice. Maghintay ng tatlong oras at lipol na ang mga tapeworms.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest