LTO office sa Pasay inilipat sa sabungan ni Ligon
April 6, 2003 | 12:00am
SOBRA talaga ang impluwensiya ni Rolly Ligon, ang may-ari ng Roligon cockpit arena sa Parañaque City, dito kay chairman Roberto Lastimoso, ng Land Transportation Office (LTO). Hamakin nyong nakuhang ilipat ni Ligon mula sa Pasay City ang opisina ng LTO sa compound ng sabungan niya sa Airport Road para lang mabigyang kalunasan ang problema ng anak niya sa drivers license niya. Dapat magpaliwanag dito si Chairman Lastimoso para hindi siya masabit sa anomalyang ito, di ba mga suki?
Sinabi ng nakausap nating taga-LTO na si Ligon ay biglang sumipot kamakailan sa main office ng LTO sa Quezon City bunga sa hindi makapag-renew ng lisensiya ang kanyang anak dahil positibo ito sa droga. Pilit na binabanggit nitong si Ligon na malapit siya kay Lastimoso at NCR director na si Nestorio Gualberto, anang nakausap nating taga-LTO. Nang hanapin ang pangalan ng anak ni Ligon a IT, aba nakamarka roon na dalawang ulit nang pumalya ang anak niya sa drug test, he-he-he! Talagang adik yata ang anak mo Sir Rolly?
Kahit nagsisigaw pa si Ligon sa loob ng opisina hindi niya nakayanang baguhin ang desisyon ng taga-LTO dahil nga naka-record na ang kaso ng anak niya sa IT. Nagmumurang umalis si Ligon at nagyayabang na gagawan niya ng paraan para nga malutas niya ang problema ng kanyang anak, anang taga-LTO.
At nagulat na lamang ang mga taga-LTO nang makalipas ang ilang araw eh ang opisina ng LTO na dati ay nakalatag sa Pasay City ay biglang nalipat doon sa loob mismo ng Roligon cockpit nga. Mukhang tinotoo ni Ligon ang banta niya, anila. Hindi na masabi ng kausap ko kung ang pangalan ng anak ni Ligon ay nabura na rin sa record ng IT. Aba dapat mag-esplika si Chairman Lastimoso at Gualberto, di ba mga suki? Papayag kaya ang dalawang magigiting na retiradong heneral ng pulisya natin na si Ligon lang ang dudungis sa kanilang mga pangalan?
Sinabi ng taga-LTO na ang nalugi sa ginawa ni Ligon ay ang administrasyon ni Pasay City Mayor Peewee Trinidad bunga sa nawalan ito ng pagkakitaan. Kung noon kumikita ang siyudad ni Trinidad sa buwis ng ibinabayad ng LTO sa ngayon ay nabura na at napunta na nga sa Parañaque City. Kaya pala palaging nakangiti ngayon si Mayor Joey Marquez habang si Mayor Trinidad naman ay nakasimangot na lagi.
At gusto rin nating i-report kay Supt. Ronald Estilles, ang hepe ng pulisya sa Parañaque City, na may malakas na caray cruz diyan sa basketball court sa eskinita ng Roligon cockpit. Baka hindi mo alam to Sir dahil anang kausap nating taga-LTO malakas ang tayaan doon tuwing may sabong. Konting ingat lang dapat ang mga bataan mo Supt. Estilles Sir, dahil malayo pa ay makikita na ang mga raiders ng mga lookout na nakabantay sa may bukana ng eskinita.
Wala naman tayong away kay Ligon. Kaya lang mukhang mali ang sistemang pinapagana niya dahil nagmukhang kinukunsinti niya ang kanyang anak, di ba mga suki? Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest