Religious war sa Davao City
April 5, 2003 | 12:00am
TUMINDI ang upakan sa Davao City matapos pasabugin ng mga gagong terorista ang isa sa mga daungan sa Sasa wharf sa nasabing lugar.
Patay ang 15 katao at 50 ang nasugatan.
Mga inosente ang mga biktima.
Dahil ipinakita lamang ng mga gagong terorista ang kanilang kawalanghiyaan na wala silang sinisino sa kanilang adhikain na pumatay ng kahit na sino.
Halos sumabog ang dibdib ng mga pamilya ng mga Kristiyanong namatay hindi nila maubos maisip kung bakit ang mga mahal nila sa buhay ang binalingan.
Ganito rin ang nangyari sa Davao International Airport, pinasabog din ng mga terorista ang isang waiting shed na puno ng welcomers. Hindi biro ang namatay at nasugatan.
Sandamakmak na Kristiyano ang umiyak dahil sa pangyayari.
Noong Huwebes ng madaling araw binanatan ng hindi kilalang grupo ang Mosque sa Davao, salamat kay Allah at walang namatay o nasugatang tao dito.
Kailangan tapusin sa lalong madaling panahon ang problema sa Davao. Ratratin ang mga gagong terorista.
Palakasin ang intelligence network dagdagan ang chapit para sa pagkuha ng information.
Huwag ibulsa ang pitsa ibigay ng ayos sa intelligence community.
Huwag nating hintayin pang magkaroon ng religious war porke hindi biro ito.
Bakit parang galit na galit ang mga terorista sa Davao City? tanong ng kuwagong sepulturero.
Hinahamon yata nila talaga si Davao City Mayor Rudy Duterte? sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Mahirap ito mukhang lalala ang sitwasyon dito.
Sana huwag naman, anang kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Ano ang magandang gawin?
Dasal tayo!
Saan?
Sa Diyos!
Sa Diyos ng ano?
Kung saan ka naniniwala, kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended