Noon ako nagpasya na ikalat ang kaalaman sa mga magsasaka tungkol sa IR-8 at ang lahat ay nagtanim.
Hindi pa lumilipas ang dalawang buwan ay niyaya na akong bumisita sa mga nayon para makita ang maagang resulta.
Galak na galak ako sa aking nakita. Malulusog at matipunong tanim ng bagong uri ng palay na IR-8.
"Kumusta ang resulta ng IR-8?"
"Tagumpay, Doktor. Lahat ay gustong subukan ang IR-8."
"Paano nakumbinsi ang mga magsasaka?"
"Sinabi namin na makaaani sila ng 90 kaban bawat ektarya. Pagkulang sa 90 kaban ay babayaran nyo sila!"
Hindi ako makasagot dahil tama ang sinabi niya.
Kinuha ko na lang sa dasal ang resulta.
Sa awa ng Diyos ang lahat ay umani ng higit sa 90 kaban kada ektarya. Pinakamataas ang 124 kaban.
Sayang. Sana sinabi ko na lahat ng ani na lampas sa 90 kaban ay mapupunta sa akin.