Napag-alaman namin na ang Officer-in-Charge sa overseas operation ay si Rossane Bahia. Nasa meeting daw sa Department of Foreign Affairs (DFA). Nangako naman si Lyn Vibar na personal niya ng ipaaabot ito kay Bahia upang maaksyunan ang reklamo.
Sa panig ng pobreng nagrereklamo na si Redanny, hindi ganoon kadaling lumabas sa kanyang pinagtatrabahuhan dahil kinakailangan pa nito ng travel permit patungo ng OWWA na mahigit ilang daang kilometro ang layo.
May magagawa naman daw ang OWWA, ayon na rin kay Vibar. Dahil sila na mismo ang magpapapunta ng ating representative sa pinagtatrabahuhan ni Redanny nang maimbestigahan at maidulog sa labor court.
Sa ganitong paraan lamang makikita ngayon ng "mabantot" na Arabong amo ni Redanny na hindi magiging tagilid, at sa halip ay patas ang labanan.
At sa ganitong paraan din matututong makinig ang kanyang pendehong amo na ang kasalanan ni Pedro ay hindi puwedeng pagbayaran ni Juan.
Iba ang estilo ng Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Wala kaming pakialam kung sino ang aming masasagasaan. Yung nasa katwiran ay ang aming ipaglalaban, si Redanny!
Yung tamang kahihinatnan ang siyang hahantungan ng aming aksiyon. Hindi kami NGAWA, ang alam namin ay GAWA. Mahalaga sa amin ang resulta ng aming mga gawain. Yan ang magiging basehan.
Ilan sa kanila ay galit na galit kay Romel Gamad. Siya ang pinaghihinalaang responsible sa mga nanakaw na piyesa na nagkakahalaga ng mahigit sa 6,000 Riyals o humigit kumulang sa P100,000.00.
Ang ilan naman sa kanila ay nagbibigay ng mga tips kung saan posibleng matagpuan ang mga Gamad sa Floridablanca, Pampanga.
Ngunit isa ang naiiba. Narito ang kaniyang e-mail na ipinadala sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.
Nais ko pong tulungan ang ating kababayan sa kaniyang pangangailangan. Puwede akong magkaloob ng tulong-pinansiyal sa kaniyang pamilya sa Pilipinas upang may magamit sila, lalo na po ang kaniyang anak sa pantawid sa buhay.
Nais ko pong hingin ang address niya sa Pilipinas para doon ko maipadala ang aking tulong.
Para kay Redanny, lakasan mo ang loob mo at huwag mawalan ng pag-asa. Laging tumawag sa Diyos.
Hanggang dito na lamang po,
Rolando A. Manio