Tirisin mo na si Buboy Go, Sec. Lina!
April 2, 2003 | 12:00am
MARAMING magulang ang humikayat kay Interior Secretary Joey Lina na makialam na para sugpuin ang problemang inihatid ni Buboy Go, ang hari ng video karera sa Maynila. Ayon sa mga magulang, ito na ang pagkakataon para ipakita ni Lina na ang kinabukasan ng sambayanan ang ipinaglalaban niya at hindi ang bulsa ng iilan, he-he-he. Kasama na ang bulsa ng kanyang mga tauhan, di ba Atty. Morga Sir? Hiniling ng mga magulang na tirisin ni Lina si Buboy Go bago niya lisanin ang kanyang puwesto dahil sa kapalpakan ng jueteng campaign niya.
Nitong mga huling araw naman, nagsumbong sa akin ang mga magulang na nagyayabang daw si Buboy Go na wala raw Herodes na kayang ipasara ang ilegal niyang negosyo. Kung sabagay, may katwiran si Buboy Go na magyabang dahil napatunayan na ito bunga sa hindi pagkibo nina Manila Mayor Lito Atienza at Chief Supt. Pedro Bulaong, hepe ng Western Police District (WPD) at NCRPO Chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, di ba mga suki? Imbes kasi na iutos na hulihin at kumpiskahin ang mga makina ni Buboy Go ang nangyari ay itiniklop lamang niya ang kanyang mga video karera, na ibig sabihin may kakutsaba talaga siya sa mga opisina ng tatlo, yan ang pahayag ng mga apektadong magulang. Ang balitang galing sa bibig mismo ni Buboy Go ay kung hindi raw niya kayang maniobrahin sa ilalim para matigil ang pagbubulgar sa makina niya eh doon naman siya sa itaas kikilos.
Sinabi naman ng mga nakausap kong pulis, si Insp. Benny Go, na umanoy dating motorcycle escort ni Bulaong ay sinibak na rin sa puwesto. Ayon sa kanila, si Insp. Go ang naglalakad ng lingguhang intelihensiya ng kapatid niyang si Buboy Go at maging ang nakikipag-usap kapag may problema ito. Sa pagsibak kay Insp. Go, ibig sabihin malinis na naman ang kapaligiran ni Bulaong at wala nang ebidensiya para isabit siya kay Buboy Go, di ba mga suki? Kaya kung hindi siya puwede sa Region 3 dahil sa mga reklamo ng mga junior officers ng PNP eh baka isalya si Bulaong sa Region 7 sa Cebu o Region 6 sa Iloilo, anang mga nakausap kong pulis. Puwede, di ba mga suki?
Sa parte naman ni Lina, dapat alamin niya kung may kinalaman talaga itong sina Mayor Atienza, Bulaong at Gen. Velasco sa operation ng makina ni Buboy Go. Lapatan niya ng kaukulang kaparusahan ang tatlo kapag may nakuha siyang ebidensiya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am