^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Paano kung walang 'weapons of mass destruction'?

-
NOONG Pebrero 2003, lantarang ipinakita ni US Secretary of State Colin Powell ang mga sample ng anthrax sa isang meeting na ginawa ng United Nations Security Council. Bukod sa mga sample ng anthrax at iba pang chemical weapon, itinuro rin ni Powell sa isang video ang lugar na pinagtataguan ng mga chemical. Iyon umano ang gagamitin ng Iraq bilang "pamuksa sa sangkatauhan". Bagamat hindi pa rin naman kumbinsido ang UN sa mga ipinakitang ebidensiya, marami rin naman ang naniniwala na mayroon ngang itinatagong "weapons of mass destruction" (WMD) ang tinagurian nilang "ulol na lalaking" si Saddam Hussien.

At kahit na tumutol na ang UN sa pagsalakay ng US at Britain, hindi nakinig ang dalawang higanteng bansa. Kumalat sa buong mundo ang protesta na huwag ituloy ang paggiyera sa Iraq. Ang mga Pinoy na kontra sa giyera, ay nakipagpatintero sa mga pulis. Marami ang pumutok ang ulo sa hampas ng truncheons. Pero ang protesta at kung anu-ano pang drama ay nawalang saysay.

Kailangang madis-armahan si Saddam sapagkat nanganganib ang buong mundo. Dapat wasakin ang WMD! Umarangkada ang koalisyon ng mga bansa at nakiisa sa pakikidigma sa Iraq. Isa ang Pilipinas sa mabilis na sumuporta na kailangan na ngang dis-armahan si Saddam. Noon pa man, lantaran na ang pakikisimpatya ng Pilipinas sa US. Nagsimula nang salakayin ng mga terorista ang US noong September 11, 2001.

Nasa ika-12 araw na ang digmaan. Marami na ang namamatay sa magkabilang panig. Marami na ang nawawasak na ari-arian. Bilyong salapi na ang nasasayang dahil sa pagsunog sa mga oil wells. Hindi na mabilang ang mga nasusugatan at karamihan ay mga inosenteng bata. Inamin naman ni US President George W. Bush at British Prime Minister Tony Blair na matatagalan pa ang giyera. Nagdagdag pa ng mga sundalo ang US at Britain.

Pero nasaan ang WMD na unang dahilan ng US kaya sinalakay ang Iraq? Bakit hindi makita ng sopistikadong gamit ng US at Britain? Kung walang WMD ang Iraq, malaking kahihiyan ang mangyayari. Kamumuhian ang US at Britain sa ginawa nilang pagsalakay sa Iraq. At siyempre, sa pagkondena sa US, kasamang babatuhin ang Pilipinas sapagkat kasapi ng koalisyon.

Ang paghahanap sa WMD ang dapat pagbuhusan ng pansin ng koalisyon para maging makatwiran ang pakikipag-giyera sa Iraq at nang hindi maakusahang mamamatay-tao.

BRITISH PRIME MINISTER TONY BLAIR

IRAQ

MARAMI

PERO

PILIPINAS

PRESIDENT GEORGE W

SADDAM

SADDAM HUSSIEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with