^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Sumunod muna bago umangal!

-
WALANG pinipili ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS). Ngayong kumpirmado na isang Pinay domestic helper sa Hong Kong na ang namatay, ang pag-iingat sa ‘‘misteryosong sakit’’ na ito ay sadyang nararapat. Hindi na ito biro at hindi dapat ipagwalambahala. Bukod sa namatay na DH na nakilalang si Adela Dalingay, may lima pang Pinay nurses sa Singapore ang sinasabing tinamaan na rin ng sakit. Unang napabalita ang pagkamatay ng isang Vietnamese noong nakaraang linggo at kasunod ay ang nakagigimbal na pagkamatay ni Dalingay. Walang gustong mag-embalsamo kay Dalingay dahil sa takot na mahawahan ng sakit. Madaling kumalat ang sakit sapagkat humahalo sa hangin. Humatsing lamang ang infected person, tiyak na lilipat na ito sa kapwa. Ang mga bata sa Hong Kong ay pinagsusuot na ng mask para hindi mahawa. Ilang school na rin ang isinara roon.

Sa kabila na marami na ang nababahala sa pagkalat ng sakit at kailangan na ang pag-iingat, kakatwa naman na tutol si House Speaker Jose de Venecia, sa balak ng Department of Health (DOH) na i-quarantine ang mga nag-travel galing sa Hong Kong lalo na ang galing sa Shanghai, China. Malaking kalokohan ayon kay De Venecia ang balak ng DOH na pitong araw na manatili sa kanilang tahanan ang mga nanggaling sa China, Vietnam, Hong Kong, Singapore at Canada para hindi kumalat ang sakit. Sinabi ni De Venecia na ang ilang minutong check-up ng health authorities ay sapat na. Hindi raw dapat maging alarmist. Sinabi pa ni De Venecia na kapag ipinatupad ang kautusan ng DOH, libu-libong foreigners mula sa mga nabanggit na bansa ang sasailalim sa confinement. Idinagdag pa ng Speaker na ang pamahalaan ay walang kakayahan para ipatupad ang nasabing kautusan. Si De Venecia na kasama ang may 10 mambabatas at iba pang Phililippine officials ay nasa Shanghai para sa inagurasyon ng una at pinakamalaking trade fair doon.

Bakit hindi muna sumunod saka umangal? Ang kautusan ng DOH ay para sa ikabubuti at hindi para sa ikasasama. Kung ang DOH ay magpapatulug-tulog sa ganitong sitwasyon na parami nang parami na ang nabibiktima ng killer pneumonia, baka sila ang sisihin ng mga kapita-pitagang mambabatas. Sa ganitong katinding sitwasyon na ang buhay ng mamamayang Pilipino ang nakasalalay, dapat magpakita ng pagmamalasakit ang mga mambabatas at sila ang unang dapat sumunod sa kautusan at hindi dapat sumuway. Hindi masasabing kalokohan ang layunin ng DOH.

vuukle comment

ADELA DALINGAY

DALINGAY

DE VENECIA

DEPARTMENT OF HEALTH

HONG KONG

HOUSE SPEAKER JOSE

PINAY

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

SI DE VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with