Sa dekada 30 ay nagkasundo na rin ang magkatunggaling Manuel Quezon at Sergio Osmeña na tumatakbong running mate in Quezon na ang nakalaban at tinalo sa pagkapangulo ay sina Gen. Emilio Aguinaldo at Bishop Aglipay. November 15, 1935 nanumpa si Quezon bilang President ng Commonwealth. Ginanap ito sa Legislative Building (Old Congress Bldg.) at ilan sa mga dumalong personahe ay sina General Doughlas MacArthur, US Vice Pres. John N. Garner, Francis Burton Harrison at Frank Murphy, the last American governor general of the Philippines. Matapos ang talumpati ni Quezon ay nagkaroon ng grand parade na libo ang nagsipagmartsa. Nagkaroon ng fireworks sa Luneta, isang public ball sa Plaza Santa Cruz at punung-puno ang Santa Ana Cabaret.
Sa mga grand ball sa Malacañang at Manila Hotel nangungusap sa kagandahan ng mga nasa alta sociedad na sina Elvira Ledesma Manahan, Conchita Sunico, Chona Recto, Nelly Montilla-Lovina, Chito Madrigal-Collantes at ang napakagandang si Susan Magalona na binansagang darling of the nation.
Sa dekada 30 ang mga pinakasikat na artista ay sina Carmen Rosales, Rogelio dela Rosa, Rosa del Rosario, Leopoldo Salcedo at Tita Duran, ang Shirley Temple of the Philippines.
Ang masayang dekada 30 ay sinundan ng mga taon ng paghihirap, sakit, gutom at lagim dahil sa World War II.