^

PSN Opinyon

Balik-tanaw sa kasaysayan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
PEACETIME ang tawag sa Circa 1935. Nagkaroon ng gold rush. Sa Escolta sa Maynila ay itinayo ang Crystal Arcade na siyang naging Manila stock exchange building. Nauso na sa mga kalalakihan ang tuxedo at bell bottom na pantalon. Nagsimula na ring magpantalon ang mga babae na ginagaya ang wide slacks ng artistang si Jinger Rogers. Maraming beauty parlor ang binuksan at naging fad ang permanent as cold wave at bobbed hair sa mga babae. Pasiklaban din ang mga evening gowns sa mga sosyalan.

Sa dekada 30 ay nagkasundo na rin ang magkatunggaling Manuel Quezon at Sergio Osmeña na tumatakbong running mate in Quezon na ang nakalaban at tinalo sa pagkapangulo ay sina Gen. Emilio Aguinaldo at Bishop Aglipay. November 15, 1935 nanumpa si Quezon bilang President ng Commonwealth. Ginanap ito sa Legislative Building (Old Congress Bldg.) at ilan sa mga dumalong personahe ay sina General Doughlas MacArthur, US Vice Pres. John N. Garner, Francis Burton Harrison at Frank Murphy, the last American governor general of the Philippines. Matapos ang talumpati ni Quezon ay nagkaroon ng grand parade na libo ang nagsipagmartsa. Nagkaroon ng ‘‘fireworks’’ sa Luneta, isang public ball sa Plaza Santa Cruz at punung-puno ang Santa Ana Cabaret.

Sa mga grand ball sa Malacañang at Manila Hotel nangungusap sa kagandahan ng mga nasa alta sociedad na sina Elvira Ledesma Manahan, Conchita Sunico, Chona Recto, Nelly Montilla-Lovina, Chito Madrigal-Collantes at ang napakagandang si Susan Magalona na binansagang ‘‘darling of the nation.’’

Sa dekada 30 ang mga pinakasikat na artista ay sina Carmen Rosales, Rogelio dela Rosa, Rosa del Rosario, Leopoldo Salcedo at Tita Duran, ang Shirley Temple of the Philippines.

Ang masayang dekada 30 ay sinundan ng mga taon ng paghihirap, sakit, gutom at lagim dahil sa World War II.

BISHOP AGLIPAY

CARMEN ROSALES

CHITO MADRIGAL-COLLANTES

CHONA RECTO

CONCHITA SUNICO

CRYSTAL ARCADE

ELVIRA LEDESMA MANAHAN

EMILIO AGUINALDO

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with