Pero mabuti iyan kaysa malusutan pa tayo ng mga terorista. Ang tanong hanggang kailan kaya ang paghihigpit na iyan?
Kasi bago naging estriktong muli ang seguridad sa NAIA, nag-alburoto si Presidente Gloria Arroyo sa sobrang luwag ng seguridad. Sorpresa siyang dumalaw sa NAIA. Incognito, o walang nakakakilala. Yung sinasakyan niyang kotse ay madaling nakalusot nang walang security check. Nagalit si GMA! Nagtataray at sinabon si NAIA GM Edgar Manda. : "Nasaan ang mga security officers" ang mataray na bulalas-patanong ng Pangulo. Pobreng Ed Manda, napakamot na lang ng ulo.
May mga politiko na namang sumakay sa isyu dahil diyan. Nag-press release agad at pinasisibak si Manda. Dangan kasi naman Mr. NAIA manager, parang alimuom ang paghihigpit sa NAIA. Luluwag, hihigpit. Sa panahon ngayon na ginigiyera ang IRAQ ng Amerika at Britanya, isipin natin yung posibleng sympathy attack ng mga local terrorist na nakiki-simpatiya kay Saddam.
Nangyari na nga ang bombahan sa Davao City Airport, huwag nang bayaang maulit sa iba nating mga paliparan at daungan. Kaya ngayoy nagrereklamo naman ang maraming pasahero. Dahil sa masinsing security check na isinasagawa sa bawat pumapasok na pasahero, nadedelay sila sa kanilang flight at naiiwan ng eroplano.
Minsan ngay na-wow mali" ang mga security officers nang mapagkamalang chemical bomb o granada ang nakapaloob sa isang bag, kaya palay lighter lang na hugis bomba. Pisting yawa! Pero oks lang.
Sabi nga, mas mabuti na ang nakasiseguro. Mayroon namang pasaherong nakauunawa. Afterall nga naman, itoy para sa kanilang kapakanan. Pero mayroong iba na talagang nanggalaiti sa galit dahil napag-iwanan ng kanilang eroplano.
Napasigaw ang pasaherong si Gorio: "Dahil sa security check na iyan, na-late ako. Naiwan tuloy ako ng eroplano "aniya. Say ko naman "Mang Gorio, better Gorio late than the late Gorio" di ba?